• Home
  • Fresh Scoops
  • Clint Bondad shares secrets of his six-year strong relationship with Catriona Gray

Clint Bondad shares secrets of his six-year strong relationship with Catriona Gray

Clint Bondad also explains how he and Catriona Gray survive having a long distance relationship.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/5/2019 1:51 PM
Clint Bondad shares secrets of his six-year strong relationship with Catriona Gray


Photo credit: @clintbondad IG

Sa episode ng Magandang Buhay, noong January 4, ibinahagi ni Clint Bondad ang sikreto sa matagal nilang relasyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Nagbigay ng dalawang punto si Clint sa mga momshie hosts. "Two secrets, number one is, think of your head when there's always a low time. And when there's good, you can think of your heart. Kasi sometimes when there's low times and you think of your heart, medyo you imagine stuff so just relax and stay rational," unang tip ni Clint.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The face you make when the cutest nose in the universe presses against your face 👀👑🦄 🐥❤️

A post shared by Clint Bondad (@clintbondad) on

READ: Clint Bondad on girlfriend Miss Universe 2018 Catriona Gray: "She deserves it the most"

Para rin kay Clint, hindi mawawala ang komunikasyon sa pakikipag-relasyon. "And number two is communication talaga, just communication. Just always check on each other, like 'How was your day?'" sabi niya.

May mahigit anim na taon nang magkasintahan si Clint Bondad at Catriona Gray. Kuwento pa niya, nagkakilala sila ni Catriona sa shooting ng sa isang TV commercial sa Baguio at niligawan niya ito matapos ang ilang di inaasahang pagkikita sa casting calls.

Nang mapag-usapan naman ang long distance set-up nila ngayong mananatili si Catriona sa New York para gampanan ang tungkulin ng isang Miss Universe, kampante si Clint bilang hindi ito ang unang pagkakataong mawawalay siya kay Catriona nang matagal. "That's the beauty of love di ba, na dapat all the time? Ako naman, I'm very honest all the time. Ako naman I'm very honest all the time. You cannot break apart if you're worrying too much," paliwanag niya.

READ: Clint Bondad responds to negative reactions on his ‘indecent exposure’ on Instagram

Dagdag pa ni Clint, bihira lang ang pagkakataong nag-aaway sila ng girlfriend. "Wala masyado actually. We always talked it out very much. The funny thing is Catriona is very innocent, very family-centered, completely opposite of me actually. Sensitibo kasi ako minsan eh, pero siya when something comes up and then she just forgets about it. So we never really had arguments.

"I think she's the best person one can wish for. Kasi she's very self-motivated," pahabol na sweet message ni Clint.

READ: Miss Universe 2018 Catriona Gray travels to her new home in New York City

Kamakailan ay ibinahagi ni Catriona Gray ang paglipat niya sa kanyang bagong tirahan sa New York kung saan mamalagi siya bilang Miss Universe 2018.