• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Grand International PH 2018 Eva Patalinjug, wish makapag-final walk sa Binibining Pilipinas

Miss Grand International PH 2018 Eva Patalinjug, wish makapag-final walk sa Binibining Pilipinas

Isa ang pagbibitiw ng Grand International crown sa mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga pageant enthusiast.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/4/2019 11:34 AM
Miss Grand International PH 2018 Eva Patalinjug, wish makapag-final walk sa Binibining Pilipinas


Photo credit: @evapatalinjug on IG

Magkahalong emosyon ngayon ang nararamdaman ni 2018 Binibining Pilipinas Grand International Eva Psychee Patalinjug.

Sa naganap na send-off party para kay 2018 Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, isa sa naging wish ni Eva ang makapag-final walk pa at maipasa ang kanyang korona sa susunod na Miss Grand International Philippines sa ilalim ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI).

 

Kasunod ito nang maugong na bali-balitang pagkalagas ng korona sa BPCI.

“I have seen the news but I don’t have any knowledge about it yet,” tugon ng Pinay beauty sa panayam ng press.

“I really hope I get to turn over my crown pa... One last farewell walk sana,” aniya pa.

Sa usapin ng malaking pagbabago, positibo si Patalinjug na hindi pa din ito totoo.

 

“Hopefully naman hindi... We’ve been very close, we are sisters, and we want to keep it na once a Binibini always a Binibini ‘di ba? Lahat naman ng sumusubaybay sa Binibini can feel that not only the queen but also the organization,” pahayag pa ng Pinay beauty.

Inaasahan na sa huling linggo ng Enero muling magbubukas ang pasahan ng application form para sa Binibining Pilipinas 2019.