Julia Montes, buntis nga ba?

Nasa Germany nga ba si Julia Montes para itago ang pagdadalang tao nito?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/4/2019 8:45 AM
Julia Montes, buntis nga ba?


Photo credit: @montesjulia08 on IG

Sa ulat ni MJ Felipe para sa TV Patrol, maugong daw ang balita na buntis si Kapamilya actress Julia Montes. Ayon sa mga naglabasang articles, diumano ito ang dahilan kung kaya nasa Europe ngayon ang aktres.

No show din si Julia sa ilang special events katulad ng ABS-CBN Christmas Special pati na sa special screening ng advocacy film na ginawa niya kasama sina Kean Cipriano at Direk Brillante Mendoza.

READ: These are the stars we missed at this year’s ABS-CBN Ball 

Kinumpirma naman ng manager niya sa Cornerstone Management na si Erickson Raymundo na nasa Germany si Julia kasama ang ama nito para sa holidays, pero pinabulaanan na buntis ang aktres.  

Ayon pa sa text message ni Erickson, nakausap mismo nila ang aktres at dineny ni Julia na nagdadalang tao siya. “She heard about it too and we called her when people were asking us, pero hindi talaga totoo.”