• Home
  • Fresh Scoops
  • Grae Fernandez, gustong maging first girlfriend si Chantal Videla

Grae Fernandez, gustong maging first girlfriend si Chantal Videla

Grae Fernandez, chooses Chantal Videla over former love team partner Andrea Brillantes.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/4/2019 8:52 AM
Grae Fernandez, gustong maging first girlfriend si Chantal Videla


Photo credit: @itsmaria.chantal on IG (R)

Sa unang guesting ni Grae Fernandez sa Tonight with Boy Abunda, inamin niya na espesyal sa kanya si Chantal Videla na kasama din niya sa cast ng Spirits Reawaken. Ani Grae, “I think she’s a very special person in my life right now.” 

READ: Star Magic introduces fresh artists in latest Star Magic Circle batch

Hindi pa daw nagkakaroon ng girlfriend si Grae pero kung magkakaroon ng chance ay gusto niyang maging first girlfriend si Chantal. Malaki ang paghanga ni Grae sa dalaga at sinabi nitong, “She’s a very kind person talaga. Makikita mo talaga how genuine of a person she is talaga. Makikita mo in everything she does, sobrang totoo talaga siya. Binibigay niya lahat ng mga capabilities niya sa lahat ng gusto niyang gawin at gusto niyang marating.”

Ganito din daw si Grae kung kaya nakikita niya ang sarili niya kay Chantal. “So nakikita ko ang sarili ko sa kanya, parang ganun ako. Pag may gusto akong mangyari gagawin ko lahat para mangyari yung bagay na yun.”

Pinaka-gustong physical feature ni Grae kay Chantal ang mga mata nito at kung may gusto daw siyang sabihin ng mga nito sa kanya, ito yung, “Ang bait mong tao, Grae.”

Kung meron naman siyang iparating sa taong crush niya ito ay, “You’ll be safe here.”

Nang papiliin naman si Grae sa pagitan ni Andrea Brillantes at Chantal, mabilis na pinili ni Grae si, “Chantal!”