• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman, inamin na apektado sa dagdag-bawas ng karakter sa ‘Ang Probinsyano’

Yassi Pressman, inamin na apektado sa dagdag-bawas ng karakter sa ‘Ang Probinsyano’

Mainit din na sinalubong ng pamilya ng ‘Ang Probinsyano’ ang bagong cast members.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/31/2019 12:43 PM
Yassi Pressman, inamin na apektado sa dagdag-bawas ng karakter sa ‘Ang Probinsyano’


Muling pumirma ng exclusive network contract ang VIVA artist na si Yassi Pressman sa ABS-CBN. Patuloy din na mapapanuod si Yassi bilang si Alyana Arevalo sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Yassi Pressman @yassipressman inks network contract with ABS-CBN #yassipressman @vivaartistsagency #kapamilya

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Kuwento ni Yassi, tuloy din ang matamis na pagtitinginan ni Alyana at Cardo kasunod ng mga pasabog na inihahanda ng Kapamilya series na patuloy padin na namamayagpag sa ratings.

“Ngayon po kakabawas lang po ng member ng vendetta group. Si Ryza Cenon, si Aubrey. Ngayon po galit po ang ating Presidente, gusto niya maghiganti. Kaya abangan po natin kung ano ang gagawin po natin,” patikim na kuwento ni Yassi sa panayam sa kanya.

Aniya, kahit sila hindi nila alam ang magiging daloy ng kuwento matapos ang pagkabawas ng ilang karakter sa programa.

“Wala (clue) (laughs) kaya aabangan niyo talaga secret pa talaga lahat,” masaya niyang tugon.

Ramdam ni Yassi ang pagbabawas ng karakter sa programa.

“As much as possible nga po sana ayaw sana namin isipin kasi, para kaming nababawasan ng pamilya. Ito nga pong pagkawala ni Aubrey (Ryza Cenon) umiyak kaming lahat behind the scenes,” ani Yassi.

“With the next couple of characters na kailangan pong umalis, hindi pa po namin alam kung ano ang magiging reaction po namin, kung paano namin i-handle,” patuloy pa niya.

Kung may umaalis man na karakter, hindi naman ito nawawalan ng kapalit. Kuwento pa ng Kapamilya star, mainit din nilang tinatanggap ang kanilang mga bagong miyembro ng kanilang pamilya na nagiging bahagi ng Ang Probinsyano.

READ: KILALANIN: Mga Bagong Tauhan sa ‘Ang Probinsyano’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#fpjangprobinsyano #taping pamilya😃♥️ #dreamscape #dariaramirez #rogercalvin #lorenzomara and @ellacruz

A post shared by Arlene Muhlach (@arlenemuhlach) on

 

“Sobrang lamig po sa set namin. Lagi po kami naka-winter clothes. Mainit din ang araw tapos nagugulat po sila doon sa location namin. Kaya yun ang nagiging bonding namin sa mga bagong member of cast,” sabi pa niya.

Sa ngayon, patuloy ang kuwento ni Cardo Dalisay tuwing gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.