• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez, walang paki kung second-choice lang siya kay Nora Aunor

Sylvia Sanchez, walang paki kung second-choice lang siya kay Nora Aunor

Ipinaliwanag ng aktres na si Sylvia Sanchez kung bakit ok lang sa kanyang maging second-choice sa pelikulang 'Jesusa.'

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/31/2019 2:58 PM
Sylvia Sanchez, walang paki kung second-choice lang siya kay Nora Aunor


Bibida na naman sa isang panibagong pelikula ang aktres na si Sylvia Sanchez, ang Jesusa na idinirek ni Ronald Carballo para sa OEPM group. Tungkol ito sa isang babaeng nalulong sa ipinagbabawal na droga, na aminado si Sylvia na first time niyang gagawin ang role sa isang pelikula. 

"Wow ibang iba 'to sa akin, sige kunin ko 'to kasi nakita ko naman, naging loka-loka, never kong ginawa, naging adik sa isang role, so challenging. Bagong role, why not?" sabi ni Sylvia sa presscon ng movie noong Martes, January 29.

Una palang inoffer sa veteran actress na si Nora Aunor ang role na Jesusa pero ayon sa director ng movie ay matapos ang mahabang usapan, sa huli ay 'di sila nagkasundo sa ilang mga elemento ng kanilang contract. 

"Hanggang kausap ko siya sa phone, naiyak talaga ako sa phone, kasi 'di ko 
akalain na maiiba na 'yung pinagusapan namin. After that 'yun handler niya, na katabi niya, sinabi ko pag-uusapan namin, pag-iisipan namin. Nung kinagabihan tinext ko na yung handler na na-decide ko at na-decide ng team na papalitan na lang namin siya. So malungkot man, natapos na dun. 

"But the following day, as early as 8AM, tumatawag yung handler at sinabing pumapayag na daw si Ate Guy kung ano man ang nakalagay sa contract. Hindi na ako talaga pumayag, unang una sabi ko 'sorry di na pwede kasi ime-meet ko na yun ipapalit namin sa kanya.' So with that napakalaking blessing, siyempre si Lord naman ang nagaayos ng lahat ng ito. Maaring 'di natuloy si Ate Guy, baka 'di meant for her 'yung material, napunta kay Sylvia Sanchez,"  paliwanag ni direk Ronald. 

Kay Sylvia naman, walang problema sa kanya kung second choice man siya o hindi. 

"Kinuwento niya sa akin, ito yung project, ito si Jesusa, ito yung ganun. At naging honest sila sa akin na second choice ako. 'Di naman ako nasasaktan kasi, sa Be Careful with My Heart, hindi ako first choice doon. Maraming projects na hindi ako first choice pero sa atin napupunta at ako ang swerte. Hindi importante sa akin ang unang choice nila, ang importante sa akin ay sa akin napunta, at gagampanan ko ng buong buo, 'yun lang yun," giit niya. 

Isa lang daw ang naging tanong ng aktres para tanggapin niya ang project. 

"Pagkatapos niya magsalita, isa lang ang tinanong ko talaga 'direk anong klase kang director?' Kilala ko kasi si Ronald as news reporter, writer ng shows, hindi ko siya kilala as director. Kilala ko siya na si Ronald, mataray. So nasa isip ko magtataray ba siya? So nung tinanong ko nasa 80% na natatanggapin ko. Tinanong ko 'Mabait ka ba sa set? Naninigaw ka ba ng artista, nang te-tension ka ba ng artista?' Sabi niya, 'Ah hindi di ako naninigaw. Chill lang ako.'  Good. 

"Kasi kahit sabihin na marunong akong umarte, kahit sabihiin na ilang shows, o movies na ang nagampanan ko, takot ako sa direktor na sinisigawan ako, takot sa direktor na tinetensyon ako, takot ako na binubungangaan sa set dahil di ko nabibigay yun best ko. Mas gusto ko kausapin ako ng direktor ko at i-explain sa akin ng mabuti. Halimbawa di ako magaling na artista, meron ding time na di 
ako nakakaarte. Pag ganun kasi, kelangan kausapin mo akong mabuti. 'Sylvia, eto yung emosyon, eto yung ganito, ito yung gusto kong makita' in a nice way, mas nahihiya ako dun, mas magpupursige ako na ipakita yun best ko kaysa sigawan ako," pagbabahagi pa ni Sylvia. 

Naitanong din kay Sylvia kung na-prepressure ba siya dahil isang Superstar ang dapat na gaganap sa role na Jesusa

"Actually nung nalaman ko na si Ate Guy 'to, sabi ko dahil inoffer sa kanya ibig sabihin magandang project. Yung expectation nila sobrang laki kaya malamang sa akin din sobrang malaki rin. Kasi every time natatakot ako, ginagawa kong challenge yun eh," huling pahayag niya.