Para kay Xian Lim, si Kim Chiu na ang ‘The One’

Xian Lim, ipinaliwanag kung bakit ngayon lang nila ni Kim Chiu inamin ang relasyon nila

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/31/2019 11:53 AM
Para kay Xian Lim, si Kim Chiu na ang ‘The One’


Photo credit: @xianlimm on IG (R)

Dahil natanong din si Kim Chiu kung “is he the one” noong huling guesting niya sa Tonight with Boy Abunda, tinanong din si Xian Lim sa TWBA kung si Kim na nga ba ang “the one” para sa kanya.

Kung ang sagot naman ni Kim ay “hindi ko po alam,” sinagot naman ni Xian ang tanong ng, “there is no denying, me and Kim we love each other, sobra. Sobra talaga. Sobra, sobra. And it feels good to be able to say this now. After so many years…”

Marami rin diumano ang nagtatanong kina Xian kung bakit ngayon lang nila inamin ang kanilang relasyon at ayon kay Xian ang dahilan ay, “Ayaw naming umamin while magkatrabaho kami. I don’t want people thinking na parang e kasi gusto lang nila i-promote yung team up nila e…”

Napatunayan ng KimXi na totoo ang pagmamahalan nila at hindi lang dahil sa trabaho dahil ayon nga kay Xian, “but years later, we’re still together and we’re not promoting ourselves.” 

READ: Xian Lim, inaming maraming pumipigil sa relasyon nila ni Kim Chiu noon

Ano naman kayang activity ang nae-enjoy nina Kim at Xian as a couple? Sagot ni Xian, “What we enjoy the most is long drives, either me driving or she also loves driving, talking habang nagmamaneho…” Kuwento ni Xian, isang beses ay nakarating sila sa Quezon nang mag-long drive sila ni Kim.

Pinapili rin si Xian kung “roses or chocolates,” at sagot ni Xian, “Aww.. roses. Kim loves roses, nagma-My Binondo Girl kami… That was the first time na I gave her a bouquet of roses and I started giving her roses and it just made her so happy…