Ketchup Eusebio, mas gustong magkaibigan lang ang CarGel

Ketchup Eusebio, naiiyak sa mga Korean soap operas ngayong ‘naglilihi’ siya

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/31/2019 11:44 AM
Ketchup Eusebio, mas gustong magkaibigan lang ang CarGel


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Ketchup Eusebio na mas gusto niyang magkaibigan lang kesa “mag-boyfriend” ang mga kaibigan niyang sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. “Dati pa naman na mas gusto ko sila na magkaibigan talaga e,” ani Ketchup.

Nang tanungin kung bakit, ang sagot ni Ketchup ay dahil lang daw sa mga maliliit na bagay noong mga mas bata pa sila. “May mga komplikasyon po e kapag mag-boyfriend, nung mga bata pa naman…hind ko mayaya mag-basketball yung Carlo kasi ayaw pumayag nung Angelica. (O kaya)… halimbawa may period yung Angge, ayaw naming samahan (kasi) mainit yung ulo…”

Mas nakita din daw niya ang maturity nina Angge at Carlo nung magkaibigan ang dalawa. “Nakita ko talaga yung maturity ng closeness nung magkaibigan. Mas open, mas pare-pareho kami na nagtutulungan na genuine…”

Hindi daw niya alam kung nagkabalikan nga ang CarGel. “I don’t really know if they gave it a chance to be real life partners… (basta) kami po ay nage-enjoy ng magkakasama. Hindi ko po alam kung hanggang saan yung status nila e…”

Naglilihi din daw si Ketchup ngayong buntis ang kanyang partner for 10 years na si Anne Laggui. Nakakatuwang rebelasyon ni Ketchup, “Naiiyak ako sa mga Korean soap operas, sa mga YouTube babies ng nagpapaligo ng baby. Natutulog ako sa hapon kapag libre kami, ang lakas kong kumain.” 

READ: Ketchup Eusebio, inaming handa na siyang maging tatay

Pagsusuma ni Ketchup sa kanyang paglilihi, “Nakakapanibago, na nakakagulat na nakaka-enjoy…”