Kathryn Bernardo clears up ‘proposal’ rumors

Kathryn Bernardo, nilinaw kung si Daniel Padilla nga ba ang nag-propose sa kanya noong Christmas vacation.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/31/2019 11:59 AM
Kathryn Bernardo clears up ‘proposal’ rumors


Sa ulat ng TV Patrol, binigyang linaw na ni Kathryn Bernardo ang issue ng proposal diumano sa kanya ng boyfriend na si Daniel Padilla matapos ang cryptic post ng Mommy Min ni Kathryn noong Christmas vacation.

READ: Wait, what? Are Daniel Padilla and Kathryn Bernardo engaged?

Ani Kathryn, “Nagkatuwaan nun. Si Mama yun, pati si Tito Do (Daniel’s personal assistant). Parang nagpo-propose kasi ang tagal na nilang friends. Parang naglokohan lang sila.”

Nag-react daw si Kathryn nang makita niya ang post ng ina. “Oh my god, nung pinakita yun sabi ko nakakaloka kayo. Mababaliw yung mga tao…”

Open naman daw si Kathryn sa idea kung mag-propose si Daniel. “Open ako sa idea pero kailangan pa naming magtrabaho.”

Pero kahit busy sa trabaho, patuloy pa rin nilang bibigyan ng quality time ang isa’t isa. Ani Kathryn, “Naka-block off na ang Valentine’s day. Definitely magbe-beach kami…” 

Excited naman si Kathryn na siya ang personal choice ni Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal na bumida sa kanilang next movie project na History of Parking Lots. “Of course, I’m very excited. Si Papa P, ang tagal na niya name-mention kung open ako sa mga stories niya. Open naman at makikinig tayo,” sabi ni Kat.