• Home
  • Fresh Scoops
  • Ina Raymundo, pangarap ilipat sa panganay na anak ang pagiging sexy icon

Ina Raymundo, pangarap ilipat sa panganay na anak ang pagiging sexy icon

Ina Raymundo sa ang panganay na si Erika, ‘That's one of my daydreams na sa kanya na malilipat yung title.’

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/31/2019 12:07 PM
Ina Raymundo, pangarap ilipat sa panganay na anak ang pagiging sexy icon


Photo credit: @erikaa.rae on IG (R)

Maraming ang humanga sa panganay na anak ni Ina Raymundo na si Erika dahil sa mga photos nito na tila ay nakikipagsabayan sa paseksihan sa kanyang ina. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Who’s that girl? #thenextSabadoNightsgirl? 😋 #SabadoNights #someday #erikaraepot

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

 

Sa naganap na special screening ng commercial cut ng Kuya Wes noong Sabado January 26, inamin ng celebrity mom na bukas siya kung gugustuhin ng anak na magpa-seksi at pumasok sa showbiz, basta't nasa tamang edad na ito. "I guess, pag nasa tamang edad na siya, kasi under-age pa siya e. So kung tutuusin, bawal pa.

"Pero alam mo may pangarap nga ako na parang nakikita ko na, when she's at the right age, tapos yung Sabado Nights commercial ko na parang it's so nice to pass it to her. Parang nasa bar kami tapos siya yung papasok, tapos mag-mimeet kami as mom and daughter, may date kami. Ayokong ma-preempt pero, I'm such a daydreamer. So that's one of my daydream na sa kanya na malilipat yung title," kuwento ni Ina sa press, habang nilarawan ang anak bilang 'Vava Voom.' 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

How does a person go from this to THIS in j 10 hours

A post shared by Erika Rae (@erikaa.rae) on

READ: Ina Raymundo shares dream of having her own lingerie brand

Dagdag pa ni Ina, halos magkaparehas sila ng attitude ni Erika. "Parang yung attitude niya is exactly like me. Di ba, nung lumabas yung Sabado Nights, 'Woman of the 90s' ang tagline nila sa akin noon, so siya yung nakikita ko (na pumalit), very millennial, she's such a feminist, as in super. Grabe yung pagiging feminist niya," sabi ng aktres habang ibinibida rin ang isang fund-raising program na sinalihan ng anak.

Bilang isa ring fan ng beauty pageants, nakikita rin daw ni Ina na pwedeng maging beauty queen ang panganay dahil sa mga social causes na ginagawa nito. "Sabi ko nga, 'Erika, pagpatuloy mo yan para sa Miss Universe.' Sabi niya, 'You are so obsessed.' Sobra talaga obsession ko sa mga beauty pageants. I want my one of my others to be (beauty queens)," aniya.

 

READ: Ina Raymundo reveals having dreamt of being a beauty queen

Bukod sa pelikulang Kuya Wes, isa rin si Ina Raymundo sa aabangan sa pelikula kasama ang JoshLia, ang Block Z. Sa direksyon ni Mikhail Red, ang Block Z ay may temang zombie. 

LOOK Fabulous at 40: These women are rocking their 40s