• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, inaming ‘na-late ng ipon’ kaya hindi na niya naipagamot ang kanyang ama

Angel Locsin, inaming ‘na-late ng ipon’ kaya hindi na niya naipagamot ang kanyang ama

Angel Locsin says it’s now time to give back to her father.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/31/2019 11:14 AM
Angel Locsin, inaming ‘na-late ng ipon’ kaya hindi na niya naipagamot ang kanyang ama


Photo credit: @therealangellocsin on IG (R)

Ikinuwento ni Angel Locsin sa Magandang Buhay na isa sa mga rason kung bakit naisipan niyang bumili ng beach property para sa kanyang amang si Angelo ay para makabawi sa kanya.

“Ako naman ngayon. Kasi ibinigay niya sa akin lahat, kahit hindi namin kaya noon, tinry niya 'yung best niya na gawing happy ang childhood ko, in his own way. So bilang anak, kung ano ang kaya kong ibigay, i-provide, eh 'di 'yun," aniya.

Dagdag pa ni Angel, na-late daw siya ng ipon kaya hindi na rin niya napagamot ang mata ng kanyang ama.

"Hindi ko kasi napagamot 'yung mga mata ni daddy. Na-late ako, na-late ako. 'Yun 'yung reason ko noon, bakit ako nag-stay sa showbiz. Kasi akala ko makakaipon ako, kaya lang na-late ako ng ipon. Hanggang sa hindi ko napagamot si daddy, hanggang sa too late na," ani Angel.

Paliwanag niya, 10% na lang din ang tsansa umanong makakita ng kanyang ama kung kaya naman hindi na rin nila naisip na pa-operahan ito.

“Magna-93 na rin si Daddy, so medyo risky na rin sa kanya. Hindi na rin advisable.” 

Kasalukuyang bumibida si Angel ngayon sa teleseryeng The General’s Daughter.

Watch: "Na-late ako ng ipon": Angel reveals the reason why she bought a beach property for her father