• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez, nakiusap sa mga bashers na nagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak: 'Ako na lang patayin niyo'

Sylvia Sanchez, nakiusap sa mga bashers na nagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak: 'Ako na lang patayin niyo'

Hindi napigilang maging emosyonal ni Sylvia Sanchez sa presscon ng pelikula niyang 'Jesusa' nang pag-usapan ang mga pagbabanta sa buhay ng kanyang pamilya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/30/2019 8:37 AM
Sylvia Sanchez, nakiusap sa mga bashers na nagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak: 'Ako na lang patayin niyo'


Photo credit: @arjoatayde/ @ria on Instagram

Halos maiyak si Sylvia Sanchez nang matanong ng media sa presscon ng kanyang bagong pelikulang Jesusa tungkol sa mga bashers na patuloy na bumabatikos sa umuusbong na relasyon sa pagitan ng kanyang anak na si Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Kamakailan lang ay inaya ng aktres ang ilang basher na magkape at pag-usapan ang kanilang mga hinaing sa buhay.

READ: Sylvia Sanchez, hinamon ang basher na makipagkita sa kanya

 

Sinabi ni Sylvia noong presscon na una at huli na niyang beses paguusapan kung bakit nasabi niya ang ganoong bagay sa Twitter.

"Sobrang mahal ko yung pamilya ko, sobrang mahal ko ang mga anak ko, ang asawa ko, ang buong Atayde family, ang pamilya ko, sobrang mahal ko. Since September hanggang last Friday, wala akong inalmusal kung hindi... bawat gising ko, puro mura, puro pambabatikos, puro panlalait sa mga anak ko, sa akin, sa asawa ko, sa buong pamilya.Basta pinagmumura ako, kung ano-anong klaseng mura na masasakit, nilalait ang pamilya ko," bungad ni Sylvia.  

Dagdag pa niya, hindi naman siya usually mapagpatol na tao pero hindi niya napigilan sagutin ang isang tweet na 'nag-call out' sa pagiging ina niya.

“Tahimik ako, ayokong patulan. Kasi sabi ko, mawawala din yun.Until last Friday, merong isang account na tinag ako.Ang sabi niya, 'Sylvia Sanchez, ina ka rin, nakikiusap ako na pagsabihan mo si Arjo na tigilan na niya si Maine, nasasaktan ako bilang ina rin ni Maine, bilang ina, durog-durog na si Maine sa sobrang panggagamit ni Arjo.' Ganun yung message.

“Ngayon, sinagot ko yun kasi sinabihan akong nakikiusap ako, ina sa ina.Sinabi ko, sige. Ginawa ko, sinagot ko siya. Sabi ko, 'O, sige, ina rin ako.' Naintindihan ko ang nararamdaman ni Arjo at ni Maine, naiintindihan ko yung nararamdaman ko, kasi binanggit rin yung mommy ni Maine. Sabi ko, 'Naiintindihan ko at naiintindihan kita, tara usap tayo. Kita tayo sa isang hotel. Kita tayo sa 7pm, sa Resorts World.'

“Noong sinabi ko yun na magkita tayo, noong sinabi ko na mag-usap tayo, totoo yun, galing yun sa puso ko bilang, sabi niya, ina siya. Gusto kong makipag-usap din sa kanya bilang ina rin. Sabi ko nga sa kanya, 'Ina sa ina, usap tayo.'Hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil manggugulo ako, hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil mang-aaway ako. Hindi ako palaaway na tao. Siya ang unang nagsabi sa akin na ina siya. Ina din ako, di ba, dapat nag-uusap nang maayos. Ngayon, kung ano man yung sabi ko na dapat pag-usapan ang problema, noong sinabi kong usap tayo, I meant it.”

Bukod dito, naikwento na din ni Sylvia ang mga banta sa buhay niya at ng buong pamilya. Nakiusap din siya sa fans ng love team ni Maine na Aldub Nation na kung may masamang intensyon man sila sa kanyang pamilya, siya na lamang ang saktan ng mga ito. 

“Ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na bukod sa mura, bukod sa panglalait, bukod sa pamba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi na, 'Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.'

“Hindi lang 'yan dalawa, meron pa. At meron pang nag-post diyan na, 'Isang bala ka lang.' 'Pag nakita natin yung nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy.Ngayon, ako bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, sabihin niyong patayin niyo na ako, okay lang.Pero mabasa ko yung sasabihin at babantaan yung mga anak ko, tiniis ko lahat since September.Bumigay ako noong Friday, last Friday. Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko. Kahit sinong ina na lalaitin ang anak mo, masakit yun. Pero tiniis ko yun.

“Pero yung makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans, hindi man lahat kasi naniniwala pa rin ako na merong mga fans ang AlDub na mababait, na good heart, pero meron ding mga bashers talaga.Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina, yung pagbabanta niyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko—ako na lang. Ako na lang. Barilin niyo ako, patayin niyo ako, tanggalin niyo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko, ako na lang.

“Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko. Huwag na sila. Ako na lang nakikiusap ako, ako na lang patayin niyo. Yun lang. Nakikiusap ako sa mga tumitira na AlDub Nation, ako na lang patayin niyo, ako na lang na nanay, ako na lang na ina, pero huwag na huwag ang mga anak ko.Kahit ngayon, barilin niyo ako tatanggapin ko, but not my kids, not my husband.”

Matapos nito, nagpasalamat na ang aktres sa mga nasa presscon at sinabing ayaw na niyang magsalita pa tungkol sa isyu.