Robin Padilla, takot nga ba kay Mariel Rodriguez?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/30/2019 11:07 AM
Robin Padilla, takot nga ba kay Mariel Rodriguez?


Photo credit: @marieltpadilla on IG

Magkahiwalay man na proyekto ang pinagkakabalahan ng mag-asawang sina Robin at Mariel Padilla, nakukuha pa rin nila maglambingan sa kani-kanilang mga interviews.

Sa panayam ng press para sa pelikulang Bato, inamin ni Robin na takot siya sa asawang si Mariel pero di siya under dito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

First photo of 2019 ❤️ happy new year!!!! 🎊

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

 

“Ay hindi yung under! Iba yung under! Iba yung under! Yung under utusan yun yung takot, takot ka lang magalit yung asawa mo, takot ka magtampo yung asawa mo,” sabi pa ni Robin.

Si Mariel naman, nagulat sa sagot ni Robin at naging pabiro ang sagot sa media.

“Talaga ba? Wala naman ako maraming rules na binibigay so hindi naman siya ganun ka-ano,” sabi naman ni Mariel.

Mag-iisang dekada ng mag asawa si Robin at Mariel na wala pa din kupas ang matamis nilang pagtitinginan sa isat isa.

“Takot ako magalit si Mariel syempre! Takot ako magtampo siya!” pahayag bi Robin.

Si Mariel naman, labis na na-appreciate ang pagmamahal ni Robin sa kanya at sa anak na si Isabella.

“Robin has been consistent in showing me na he really, really cares for our family and our family is first,” sabi pa ni Mariel