• Home
  • Fresh Scoops
  • Joyce Bernal at Piolo Pascual, may planong magkaibang proyekto para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Joyce Bernal at Piolo Pascual, may planong magkaibang proyekto para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Balik shooting na rin ang Marawi film nina Joyce Bernal at Piolo Pascual, kasama ang bagong Maranao director.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/30/2019 11:30 AM
Joyce Bernal at Piolo Pascual, may planong magkaibang proyekto para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo


Photo credit: @springfilms on IG

Sa naganap na selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng Spring Films, humarap sa press ang dalawang founders nito na sina Piolo Pascual at Joyce Bernal na ibinida ang line-up ng mga pelikula na planong ipalabas ngayong taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you to all our friends from the press who came to support the #10YearsOfSpringFilms! #TagsibolSaUP

A post shared by Spring Films Inc. (@springfilms) on

 

"We wanted to be as diverse as possible. We don't want to be boxed. Mas maganda na iba-iba yung genre na pinapasukan namin. At nakakatuwa lang na yung pumapasok na konsepto, na-eenjoy din naming gawin," pahayag ni Piolo habang binabanggit ang ilang pelikula tulad ng Post Angst na tungkol sa marijuana. Ayon kay Direk Joyce, isa si Piolo sa mga cast members.

Bukod sa Post Angst, may pelikula ring plano ang dalawang Spring Films founders kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa magkahiwalay na proyekto. Makakasama ni Daniel si Charo Santos sa pelikulang nakatakdang idirek ni Bb, Joyce Bernal, habang si Kathryn naman ay planong isama sa cast ng pelikula na may pamagat na, History of Parking Lot.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Warm hugs and some hot chocolate pls? ☃️

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath) on

 

Binanggit din ni Piolo ang ilang direktor gagawa ng ilan sa mga pelikula sa kanilang line up, tulad nina Paul Soriano, Lav Diaz, at Ely Buendia. 

Nang tinanong naman ang dalawa tungkol sa inaabangang Marawi film, pinangalanan ni Bb. Joyce ang bagong direktor na makakasama nila sa pagbabalik shooting nito. "Kumuha na talaga kami ng totoong Maranao na magsulat at mag-direk.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Can’t believe we’re celebrating the #10YearsOfSpringFilms @direkbinibini and @visionerickson #TagsibolSaUP

A post shared by Spring Films Inc. (@springfilms) on

 

"So kumuha na kami talaga. Binigay na namin yung pinag-agreehan namin na script, tapos siya na po yung magsusulat, at sasamahan ko po siya mag-direk, bale dalawa na kami, si Omar Ali," sabi ni Direk Bernal na aminadong nahihirapan para sa naturang pelikula.

"Mahirap kasi mahalaga siyang usapin, kaya dapat pinaghahandaan. Tsaka yung pelikula, magke-create ng conflict e, yun ang aayusin e," dagdag niya.

Ayon kay Joyce, ang kanilang Marawi film ang magiging unang feature film ni Omar Ali, mula sa paggawa ng mga short films at documentary films.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The stars of #KuyaWes! #10YearsOfSpringFilms #TagsibolSaUP

A post shared by Spring Films Inc. (@springfilms) on

 

Samantala, pangungunahan ng pelikulang Kuya Wes ang line up ng Spring Films ngayong taon. Ipapalabas ang commercial cut ng Kuya Wes sa mga sinehan simula March 13.