Jodi Sta. Maria, nagulat sa ginawa ng anak na si Thirdy

Jodi Sta Maria ibinahagi ang pag-uusap nila ng kanyang anak na si Thirdy Lacson.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/30/2019 9:40 AM
Jodi Sta. Maria, nagulat sa ginawa ng anak na si Thirdy


Photo credit: @jodistamaria.updates on IG

Masayang ibinahagi sa Twitter ni Jodi Sta. Maria ang naging usapan nila ng kanyang unico hijo na si Thirdy Lacson, na siyang ikinagulat niya.

Ayon sa kanilang usapan, inabot ni Thirdy ang isang resibo at nagtaka naman ang kanyang ina kung ano ito. Nang tanungin siya ni Jodi ay sinabi ni Thirdy na binayaran na niya ang kanyang field trip gamit ang kanyang ipon.

Natuwa naman si Jodi sa sorpresa ng kanyang anak.

“Thank You Lord for Thirdy! He is one of the greatest blessings and gifts I received from You!” dagdag pa niya.