• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sexbomb Newgen manager Jara Cancio promotes body positivity to her dancers

EXCLUSIVE: Sexbomb Newgen manager Jara Cancio promotes body positivity to her dancers

"Yung 'pag napapanood ng audience yung Sexbomb, hindi sila mai-insecure," sabi ng Sexbomb NewGen manager na si Jara Cancio.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/30/2019 11:22 AM
EXCLUSIVE: Sexbomb Newgen manager Jara Cancio promotes body positivity to her dancers


Proud na ipinakilala ng manager na si Jara Cancio ang mga members ng Sexbomb Newgen sa PUSH Team, sa naganap na auditions noong Sabado, January 26. Sa panayam ng PUSH Bets Team, ibinahagi ni Jara ang pangangalaga sa katawan ng mga miyembro na sina Eunice, Nikkie, Keshia, Daphny, Lea Jane at Julie. 

"Hindi talaga (sa amin) factor yung sobrang tuyot (payat), kasi yung ibang girl groups ganon e. What they (SB Newgen girls) do is as long as they're inside their BMI, at hindi nakaka-affect ang weight mo yung pagsasayaw mo, and yung health mo, okay lang sa amin," pahayag ni Jara na sinabing may kapartner ang Sexbomb Newgen na isang fitness gym para mabantayan ang kani-kanilang workout.

Dagdag ni Jara, mahalaga para sa kanila na maging "good example" sila sa mga kabataan lalo na't may impluwensya ang pangalan ng Sexbomb. 

"Yung 'pag napapanood nila (ng audience) ang Sexbomb hindi sila mai-insecure na, 'Kailangan kong magsuka or kailangan kong hindi kumain, para lang maging ganyan (kapayat).' 

"Gusto ko good example sila (Sexbomb Newgen) na, lahat ng tao may iba-ibang shape and sizes," sabi ni Jara.

Si Jara ay anak ng sikat na choreographer at dating manager ng original Sexbomb group, na si Joy Cancio. 

Sa episode ng PUSH Bets din ay ni-reveal ng Sexbomb Newgen girls ang ilang mga rules na sinusunod nila bilang grupo. "Pinaka-bawal po mag-boyfriend, siyempre priotity muna (ang pagsasayaw)," ayon kay Newgen Nikkie. Dagdag ni Newgen Keshia, "Requirement din sa amin yung black hair. Iba po kasi tignan sa TV, na kahit simple lang ang ganda pa rin." Paliwanag pa ni Newgen Jane hindi rin daw nila ine-encourage ang isa't-isa ang pagpapa-tattoo. 

Panuorin ang buong episode dito: 

Nakatakdang maglabas ng kanilang kauna-unahang single na “Want U” ang grupo sa February 8.