Yam Concepcion, bibida sa isang pelikula

Dahil sa tagumpay ng teleseryeng ‘Halik,’ nagbukas ang maraming opportunities para kay Yam Concepcion.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/3/2019 2:31 PM
Yam Concepcion, bibida sa isang pelikula


Photo credit: @yamconcepcion on IG

Hindi maitatanggi ng isa sa mga bida sa Kapamilya series na Halik na si Yam Concepcion na malaki ang nagbago sa kanyang karera dahil sa programa ng ABS-CBN.

Markado kasi ang karakter niya bilang si Jade Bartolome, na talaga namang kinaiinisan ng mga manonood tuwing gabi.

“It opened door for me for endorsements. Also naging cover ako ng Preview magazine na sobrang ganda kasi, sumakto ‘yung animal skin na suot ko ang tawag kasi sakin ‘Jade Ahas’, so sumakto talaga ang snake skin,” ani Yam sa naging panayam ng PUSH.

WATCH: Kontrabida 101 with Yam Concepcion

Aniya dahil sa kanyang role, isang pelikula din ang nakatakda niyang gawin sa ilalim ng VIVA films.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you Gawad Pilipino Awards for this recognition ✨🇵🇭

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

“Sobra sobrang pagbabago, it opened so many doors for me, I might do a movie this January start kami mag-shoot under VIVA. Definitely that’s something to look forward to this coming year,” sabi pa niya.

“I’m so happy, and blessed because of Halik,” patuloy pa niya.

At kahit popular na ang kanyang karakter, hindi pa din daw ito alam ng kanyang non-showbiz boyfriend na nakatira sa abroad.

 

“Naku he doesn’t really know about this yet, I don’t know how he will find out we’ll see,” naka ngiting pahayag pa niya.

Sa ngayon, mas matitindi pang rebelasyon at eksena ang mapapanood sa Halik sa ABS-CBN primetime bida.