• Home
  • Fresh Scoops
  • Stella Marquez-Araneta, nagsalita na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines

Stella Marquez-Araneta, nagsalita na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines

Nagbigay pahayag na ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa isyu ng Miss Universe franchise sa Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/3/2019 5:19 PM
Stella Marquez-Araneta, nagsalita  na sa isyu ng paglipat ng franchise ng Miss Universe Philippines


Binasag na ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated head Stella Marquez-Araneta ang kanyang katahimikan sa usapin ng paglipat umano ng Miss Universe Philippines franchise.

Kasunod ito ng pag ugong ng mga balitang pagpapamana ng Miss Universe Franchise sa LCS Group of Companies sa pamumuno ng Luis Chavit Singson.

READ:Chavit Singson bagong franchise holder ng Miss Universe Philippines?

READ: Chavit at Richele Singson, nagbigay pahayag sa balita ng pagiging franchise holder ng Miss Universe Philippines

“Well it’s still with us... If some people are saying something else, let them talk about it, but I have not heard. I was with the people of Miss Universe in the strip (Las Vegas),” tugon ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) Chairperson sa send off party para kay 2018 Miss Intercontinental Karen Gallman.

Aniya pa sa pagpasok ng 2019, muling i-aanunsyo ng Binibining Pilipinas ang pagbubukas ng kanilang auditions para sa mga gustong sumali sa pageant.

“We are going to announce it maybe in two weeks,” pahayag pa niya.

Hanggad naman ng BPCI Chairperson ang tagumpay ni 2018 Binibining Pilipinas Karen Gallman sa magiging laban nito sa 47th Miss Intercontinental na gaganapin sa Pilipinas sa Enero 26. Mapapanood  din sa ABS-CBN ang prestihiyosong pageant.