• Home
  • Fresh Scoops
  • Nalalapit na ba ang kasal ni Zsa Zsa Padilla? Here’s what Karylle says

Nalalapit na ba ang kasal ni Zsa Zsa Padilla? Here’s what Karylle says

Karylle, hindi kinumpirma ang petsa ng kasal ng inang si Zsa-Zsa Padilla

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/3/2019 9:49 AM
Nalalapit na ba ang kasal ni Zsa Zsa Padilla? Here’s what Karylle says


Photo credit: @anakarylle on IG (L)

Sa ulat ng TV Patrol, masaya si Karylle na ma-witness ang kasal ng kanyang “BFF” na si  Iza Calzado sa negosyanteng si Ben Wintle. Ani Karylle, “It was a beautiful ceremony at the beach and then of course there was a moment na it fell on her shoulders na wala si Mama at si Papa. I was happy na at that moment andun ako sa sand, pagulong-gulong and I was ready to give her that big hug to represent our family.”

READ: Iza Calzado naiyak sa regalo ng kanyang namayapang ina sa araw ng kanyang kasal

Dahil na rin napag-usapan ang pamilya, tinanong rin si Karylle kung nalalapit na kasal ng inang si Zsa Zsa Padilla kay architect Conrad Onglao. Sagot ni Karylle, “I don’t know. I haven’t asked her. That’s her story to tell. So I will just wait and see. But I’m here for whatever the plan is, I’m there!”

Ayon sa ulat, noong huling beses na-interview si Zsa Zsa para sa TV Patrol noong May 2018 ay sinabi nito na nag-start na ang preparation para sa kasal nila ni Conrad. Ani Zsa Zsa sa naturang interview, “Very simple lang. I don’t want any fanfare.”

Matatandaan na engaged na noon sila Zsa Zsa at Conrad pero nagkahiwalay sila at nagkabalikan din. 

READ: Zsa Zsa Padilla nagsalita na tungkol sa pagbabalikan nila ng fiancé na si Conrad Onglao

Isa na nga ba ang kasal ni Zsa Zsa sa mga celebrity nuptials na aabangan ngayong 2019?