• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao explains video with Janella Salvador: ‘We were holding hands, yes’

Marco Gumabao explains video with Janella Salvador: ‘We were holding hands, yes’

Marco Gumabao, inaming magka-holding hands sila ni Janella Salvador sa video pero magkaibigan lang daw sila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/3/2019 9:56 AM
Marco Gumabao explains video with Janella Salvador: ‘We were holding hands, yes’


Sa Tonight with Boy Abunda, nagsalita na si Marco Gumabao tungkol sa hot issue na diumano ay nagkakamabutihan sila ni Janella Salvador dahil sa isang video kung saan mukhang very close sila.

READ: Marco Gumabao breaks silence on 'dating rumors' with Janella Salvador

Pero ayon kay Marco, hindi date yun dahil may kasama silang grupo sa paglabas nilang yun. “A lot of people assume na we were dating and magkaka-grupo kami. I was with my cousin. Also, si Barbie Imperial. We were one group.” 

Dahil din daw sa video ay maraming nag-bash sa kanya. Ani Marco, “Ang daming tao na nagba-bash sa akin saying na ahas daw ako. Inabangan ko daw si Janella from Elmo (Magalona).”

Paliwanag pa ni Marco, nilapitan pa niya si Elmo para magpaliwanag. “I actually talked to Elmo nung Christmas Special. Sabi ko, ‘Bro I’m coming up to you now to say na walang nangyayari sa amin ni Janella. Walang nangyayari, walang nangyari at walang mangyayari.’”

Bagamat hindi man daw sila close ni Elmo, na-appreciate daw ni Elmo ang gesture niya at sinabi diumano ni Elmo sa kanya na, “Bro, you know I appreciate you coming up to me. Kung sino man yung gumawa nung issue na yun… you know what, I don’t have any bad blood against anyone.”

Muling iginiit ni Marco tungkol sa relationship nila ni Janella na, “we’re just friends.”

Sa kabilang banda, naging honest din si Marco at inamin niya na magkahawak ang mga kamay nila ni Janella sa ilalim ng table sa naturang video. “We were holding hands naman, yes,” sabi ni Marco.

Nang tanungin kung naudlot ang panliligaw ni Marco dahil na rin sa grabeng reaksyon ng Elmo-Janella fans, pinaliwanag ni Marco na, “It’s so hard to explain kasi for us we were just friends. I never told her that I liked her. She never told me na she liked me. Nung lumabas yung picture, nagulat kami na everyone’s saying na we’re dating.” Pag-amin pa ng binatang aktor, “We took a step back.”

Prangka din siyang tinanong ng host na si Boy Abunda na, “you decided to stop?” Sagot ni Marco, “yes.”

Hindi na rin daw sila madalas mag-usap ni Janella ayon kay Marco, “not that much anymore.” At dahil daw ito sa naging grabeng reaksyon ng mga fans sa kumalat na video. “Yes. From that point kasi we were starting pa lang to know each other. Nung lumabas yung video… people were assuming na agad na we were dating. Parang, wait lang,” pagtatapos ni Marco.