• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino magpapa-block screening para sa MMFF movie nina Kim Chiu at Harlene Bautista

Kris Aquino magpapa-block screening para sa MMFF movie nina Kim Chiu at Harlene Bautista

Balik Pilipinas na si Kris Aquino matapos ng bakasyon sa Japan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/3/2019 9:40 AM
Kris Aquino magpapa-block screening para sa MMFF movie nina Kim Chiu at Harlene Bautista


Photo credit: @krisaquino on IG (C)/ PSR.ph (L)

Ngayong January 3 2019, ang uwi sa Pilipinas ni Kris Aquino at ng kanyang dalawang anak na sina Bimby at Josh mula sa mahigit isang linggong bakasyon sa Tokyo, Japan.

Sa Tokyo nag-celebrate ng Christmas at New Year ang mag-iina kasama ang ilang staff ng kanyang KCAP at ang nakatatandang kapatid niyang si Ballsy Aquino Cruz.

Ayon sa kuwento ni Kris sa kanyang IG account, masyadong malamig sa Tokyo kaya madalang siyang lumabas ng hotel na kanilang tinutuluyan. Wala rin daw siyang ginawa kundi ang magpahinga, matulog, at magbasa ng libro.

Minsan naman ay nakikiag-virtual bonding siya sa kanyang IG followers. Ayon pa sa Queen of All Media, iniiwasan niyang ma-expose sa malamig na klima dahil madaling bumigay ang kanyang lalamunan at respiratory system.

Post ni Kris habang nasa Tokyo, “Temperature was 4 degrees Celsius today, so I slept in (almost 17 hours)... Thank you to my Ate (Ballsy) and her family (poor her she now has fever after taking my 2 to lunch).

“Thank you to Bincai and Marie Feliciano for going to @muji_global to buy my medicine organizers etc. Thank you @pampahappy for taking the 2 to their favorite Nabezo shabu-shabu and sukiyaki. When my 2 are happy, everything is okay in my world. Good night.

“Philippians 4:4-5 NIV Rejoice in the Lord always. I will say it again: Rejoice! Let your greatness be evident to all. The Lord is near.”

Pagbalik ng Pinas ay kaagad namang magpapa-block screening si Kris ng dalawang pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Festival—ang One Great Love at Rainbow’s Sunset.

Si Kim ang itinuturing na “panganay” ni Kris kaya susuportahan niya ang One Great Love. Malapit na kaibigan naman ni Kris ang producer ng Rainbow’s Sunset na sina Mayor Herbert at Harlene Bautista kaya all out din ang suporta niya sa pelikula.

Gaganapina ng block screening ng dalawang pelikula on January 5 sa isang sinehan sa isang sikat na mall sa Mandaluyong—5 pm for One Great Love at 8 pm naman for Rainbow’s Sunset.

Inaasahan ang pagdalo ni Kim at Dennis Trillo sa naturang block screening at ni Harlene. I’m sure, darating din ang ilang showbiz press na malalapit kay Kris