• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda at ate girl Jackque Gonzaga, naiyak sa mensahe ng isa’t isa

Vice Ganda at ate girl Jackque Gonzaga, naiyak sa mensahe ng isa’t isa

What started out as a joke turned out serious as Vice Ganda and Jackque Gonzaga talked on-air.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/29/2019 10:08 AM
Vice Ganda at ate girl Jackque Gonzaga, naiyak sa mensahe ng isa’t isa


Nagsimula sa biruan ang naging usapan nina Vice Ganda at Ate Girl Jackque Gonzaga sa It’s Showtime kung saan tinanong ng komedyante si Jackque kung pinagdadasal ba niya ito.

Sumagot naman ng “araw-araw, gabi-gabi” si Jackque at di naman naniwala si Vice. 

"Sabi ko, i-bless ka, pati pamilya mo, pati happiness mo," ani Jackque na naging emosyonal na siyang ikinagulat ni Vice.

“Totoong pinagdadasal talaga kita. Galing talaga sa puso ko 'yon. Nag-uumapaw kasi 'yung love and 'yung hope and pag-wish ng puso ko para sumaya ka,” dagdag pa niya.

Tila nabigla naman ang It’s Showtime host at ‘di rin napigilang umiyak.

"Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa 'yo. Masyado mo ako... Salamat. Huwag mo na ako isipin. Okay naman na ako," ani Vice at sinabing paghusayan pa niya lalo sa kanyang karera.

Simula nang umusbong ang kanilang tandem kung saan “ViceJack” ang tawag sa kanila, nagbukas ito ng marami pang oportunidad kay Jackque katulad ng TV guestings at pagdalo sa iba’t ibang mga event.