• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Liza Diño-Seguerra opens up about Ice Seguerra's Egg Retrieval Process

EXCLUSIVE: Liza Diño-Seguerra opens up about Ice Seguerra's Egg Retrieval Process

Masayang nagkwento si Liza Diño sa prosesong ginagawa ngayon kay Ice Seguerra para sa plano nilang baby.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/29/2019 3:43 PM
EXCLUSIVE: Liza Diño-Seguerra opens up about Ice Seguerra's Egg Retrieval Process


Photo credit: @lizadino (R)

Excited na ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño sa proseso na ginagawa ngayon sa asawang si Ice Seguerra para sa plano nilang baby. Ayon kay Liza, masaya siya kahit anong maging gender ng inaasahan nilang baby, basta't normal at healthy. 

"Ako, I've experience having a girl, so it would be nice to have another a girl. Of course, ang sarap din sigurong malaman kung boy. Tapos si Ice gusto rin ng boy. So, kahit anong gender basta healthy, basta normal. It's a gift, excited na kami to this," pahayag ni Liza sa PUSH. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

It wasn't easy actually. For the first 4 days, Ice's eggs are not growing and his right ovary is not producing eggs significant enough to be harvested so natakot kami ng slight kasi baka hindi enough yung maharvest and for a time ako yung natatakot na baka hindi magrespond yung body nya sa meds. But ito na nga, finally, nagstart mag grow ng eggs nung mga 6th until we got to this day. Sobrang salamat talaga Lord kasi naniniwala kami na if it's meant to be, mangyayari at mangyayari. Ok. I'm rambling i know. Pasensya na guys. Matagal -tagal na rin akong hindi ganito ka-candid. I mean, i used to be a lot more open and vocal about my feelings but a lot has changed since I became a public servant. But at this very moment, I'm shamelessly asking for your PRAYERS and POSITIVITY para maging successful yung harvest process nya. Salamat sa lahat ng sumuporta sa marriage namin ni Ice at sa naniwala na we can live our lives like normal families. This is a big step for us and I just hope that everyone gives their love and support.

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

 

Ibinahagi din ni Liza sa PUSH ang kakaibang proseso ng fertilization na kasalukuyan ay ginagawa kay Ice. 

"Hindi siya surgery, its called egg retrieval process. It's a process na pinagdadaanan ng isang transman, na yung eggs niya iha-harvest para ma-freeze tapos maghahanap tayo ng isang sperm donor, kung saan ife-fertilize yung egg niya para maging embryo."  

Nilinaw din ni Liza na siya ang magdadala ng magiging anak nila ni Ice. "So ito yung embryo na pwedeng mabuo ang isang bata, tapos, i-implant siya sa akin para ako yung mag nurture doon sa embryo para maging baby," dagdag ni Liza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

He's back!!! Hi lablab. It's been 36 hours since I last saw you. Namiss kitaaaa 😘

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

 

Habang full-support ang binibigay FDCP Chairperson sa 10th Year celebration ng Spring Films kahapon, January 28, masaya rin siyang nagpasalamat sa suportang natanggap niya at ng asawa.

"Gusto kong pasalamatan lahat ng nagbigay ng support. I am getting a lot of personal messages, may mga nagpadala pa ng mga simple tokens. Marami rin palang mga couples na may mga ganoong klase ng journey na pinagdadaanan.

"Of course, yung LGBT community na pangarap ring magkaroon ng anak, magkaroon ng possibility na magbuo ng family nila. So for them, naging inspiration din pala yung ginagawa namin, for them to see na 'Oh it's possible," dagdag ni Liza.

 

Para kay Liza, isa sa mga naidulot ng desisyon nilang mag-asawa na magka-anak, ay ang inspirasyon para sa LGBT community na pangarap ding bumuo ng sariling pamilya. 

"Ang daming nagtatanong sa amin ng process, paano daw, magkano? We're always responding to all their inquiries. Kasi yun yung magandang nangyari, na-curious yung mga tao more than nag-judge. Marami pa ring negative pero mas nararamdaman namin yung support. 

"Nag-iiba na talaga ang society natin when it come to LGBT journey and experiences, mas nagiging accepting sila tsaka mas nagiging supportive sila na, we're just like any family, we all want the same thing," ani Liza. 

Ikinasal sina Liza at Ice sa US noong December 2014. Kamakailan din ay nag-celebrate sila ng kanilang 4th year bilang mag-asawa sa Boracay. 

READ: Ice Seguerra and Liza Diño celebrate fourth wedding anniversary in Boracay