• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, nasabik sa pagbabalik aksyon ni Robin Padilla

Beauty Gonzalez, nasabik sa pagbabalik aksyon ni Robin Padilla

Masaya si Beauty Gonzalez na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho si Robin Padilla.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/29/2019 8:34 AM
Beauty Gonzalez, nasabik sa pagbabalik aksyon ni Robin Padilla


Handang handa na ngayon si Beauty Gonzalez sa kanyang pagganap bilang si Nancy Dela Rosa sa life story ni dating PNP chief Ronald Dela Rosa.

Kuwento ng aktres, naging malaking hamon sa kanya na gampanan ang karakter ni Nancy Dela Rosa lalo at hindi niya ito nakilala.

“Hindi ko siya nakausap and hindi ko siya na-meet, but with the help of our director, nakilala ko na din naman yung character ng role ko,” sabi ni Beauty.

Dito ibinulgar din ni Beauty na malayong malayo din si Bato sa nakilala ng karamihan.

“Sweet at may pagka-charming kasi si Bato sa totoong buhay. He's a loving father to his kids kaya siyempre cute din, kasi ang mga Bisaya takot yan sa mga misis nila,” sabi pa niya.

At sa kanyang unang beses na makatrabaho si Robin Padilla, inamin din ng aktres na nasabik siya para dito.

“It’s a great privilege na makatarabaho ko si Mr Robin Padilla, icon na siya and im very excited to this movie talaga for him kasi medyo matagal na natin siya hindi nakikita mag action doon talaga ako excited” pahayag pa ni Beauty.