• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, may pangako para sa kaibigang si Ellen Adarna

Beauty Gonzalez, may pangako para sa kaibigang si Ellen Adarna

It’s been a while since we heard any updates from Ellen Adarna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/29/2019 10:00 AM
Beauty Gonzalez, may pangako para sa kaibigang si Ellen Adarna


Photo credit to the owner (L)

Simula nang magkaroon ng sariling pamilya ay pinili ni Ellen Adarna na mamuhay ng pribado kasama ang aktor na si John Lloyd Cruz. Ngayon ay bihira na lamang ang mga update sa kanila kung kaya naman ikinagulat ng marami nang muli silang magkita ng matalik niyang kaibigan na si Beauty Gonzalez.

Read: Beauty Gonzalez reunites with best friend Ellen Adarna

Sa naganap na interview noong inilabas sa press ang pelikulang Bato, naging matipid ang Kadenang Ginto star sa kanyang naging sagot tungkol sa kalagayan ni Ellen ngayon.

“We see each other from time to time and she’s very happy with her life right now,” pahayag niya sa PEP.

Dagdag pa ni Beauty ay may iniwan siyang pangako sa kanya.

“I cannot say anything about them. That’s my promise.”

Nang huling makapanayam si Beauty tungkol kay Ellen ay sinabi rin niyang masaya at “blooming” siya ngayon.

Read: Beauty Gonzalez, nagbigay detalye sa pagkikita nila ni Ellen Adarna: ‘Blooming ang friend ko’