Balik tambalan ni Marvin -Jolina, matutuloy na nga ba?

1999 nang huling nagpakilig si Marvin at Jolina sa Pelikulang “Hey Babe.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/29/2019 4:40 PM
Balik tambalan ni Marvin -Jolina, matutuloy na nga ba?


Phot credit: @marvinagustin IG (R)

Kasabay ng muling pagpirma ng exclusive network contract ng “Magandang Buhay” host na si Jolina Magdangal sa ABS-CBN, muling napag-usapan ang napipintong pagbabalik tamabalan nila ng kanyang ka-love team na si Marvin Agustin.

Kuwento ni Jolina, target talaga nila ngayong taon na ipalabas ang kanilang pagbabalik pelikula ni Marvin, na isa sa mga mainit na pinapangarap ng dalawa, na isa sa paboritong tambalan noong dekada ‘90.

 

“Parang last year pa namin yan pinag uusapan hanggang sa finally ngayong pagpasok ng 2019, bigla akong binabalitaan, binabalitaan niya ako na nakikipag meeting na siya kung kani-kanino,” ani Jolina sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aniya, sana nga daw ay matuloy na ang kanilang pagbabalik tamabalan ngayong taon.

“Looking forward talaga kami to do this film ngayong year, kasi medyo na-miss namin ang pag work sa isa’t isa, kaya noong nakita ko siya noong birthday ko, para kong nakita ang best friend ko. ‘O yes kaibigan mo lang ako’ parang mga ganon,” pabirong tugon ni Jolens.

Kuwento pa ng Kapamilya star, isa ang paggawa ng proyekto kasama si Marvin ang isa sa mga nami-miss niyang gawin.

“Sobra akong na excite na nagkakaroon kami ng time ni Marvin, na makapag-usap ulit ng project together,” pahayag pa niya.

Taong 1999 nang huling nagpakilig si Marvin at Jolina sa pelikulang “Hey Babe” ng Star Cinema kaya naman kung matutuloy, extra special ito para kay Jolina.