• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang isasakripisyo nina Angel Locsin at Neil Arce para sa isa’t isa?

Ano ang isasakripisyo nina Angel Locsin at Neil Arce para sa isa’t isa?

Angel Locsin, nagkuwento tungkol sa dalawang lalaking pinaka-importante sa kanya.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/29/2019 8:26 AM
Ano ang isasakripisyo nina Angel Locsin at Neil Arce para sa isa’t isa?


Photo credit: @therealangellocsin on IG

Masayang nag-kuwento si The General’s Daughter star Angel Locsin tungkol sa dalawang lalaking importante sa buhay niya: ang kanyang boyfriend na si Neil Arce at ang kanyang 93-year-old father na si Angelo Colmenares.

Ayon kay Angel sa kanyang interview with the King of Talk Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, bumili siya ng beachfront property para mapasaya ang kanyang Daddy. Dagdag pa niya, “’pag nasa dagat kasi si Daddy iba ang energy. Dun nakakatulog, sa bahay ayaw matulog…” 

Na-appreciate din daw ng kanyang Daddy si Neil dahil nagbibigay si Neil ng oras para sa pamilya niya. Ani Angel, “Nagbibigay siya ng oras pag family ko kasi he knows how important my family is sa sa ‘kin…”

Nagbibigay din daw ng oras si Neil para makipag-kuwentuhan sa Daddy niya at ang mga topics ng dalawa kapag magka-usap sila ay “religion, faith, investment, generation noon, generation ngayon…” Naha-hot seat din daw si Neil dahil natatanong ito ng Daddy niya ng, “So what’s your plan?” 

Aminado si Angel na napag-uusapan na nila ni Neil ang kasal pero, “hindi yung parang definite na ganun.” Ayaw na daw niya mag-plano at, “kung mangyayari na lang siya, mangyayari…” 

Si Neil diumano ang “happiness” ni Angel at siya rin ang kanyang “partner in crime.” “Whether bad yung decision ko or good nandyan siya, iba yung effect sa’yo nun e. Hindi ka idya-judge,” sabi pa ni Angel.

Tawagan daw nila ni Neil ang “my hal,” na nagsimula nang mabulol si Angel at mapagsama niya ang my love at mahal; kaya ang ibig sabihin daw ng “my hal” ay parang “my love.” 

Nang tanungin daw ng TWBA si Neil sa hiwalay na interview kung ano ang kaya niyang gawin para kay Angel, ang sabi nito ay “Willing akong hindi kumain ng bacon forever para kay Gel.” 

Si Angel naman daw willing i-give up ang “ref” para kay Neil. Paliwanag niya, kasi malamig, mahilig ako sa malamig. Nandun lahat ng food ko, so kaya kong isakripisyo para sa kanya yung ref…” 

READ: Angel Locsin: ‘Never naman akong nagtago ng relasyon’