Wacky Kiray, ibubulgar ang 'Sikreto ng Piso'

Wacky Kiray may 'kakaibang role' sa kanyang bagong pelikula na 'Sikreto ng Piso.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/28/2019 9:33 AM
Wacky Kiray, ibubulgar ang 'Sikreto ng Piso'


Photo credit: @wackykiray on IG

Marami ang nakaka mis sa makulit at masayang samahan ng singvestigators ng game show na I Can See Your Voice tuwing weekend.

Pero, isa ang Singvestigators na si Wacky Kiray sa nagbigay na nagpatikim na nililuto na ang kanilang pagbabalik.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ICSYV family... mahal na mahal na mahal ko kayo ❤️❤️❤️ i will forever be grateful! #teamkalabaw

A post shared by Wacky Kiray (@wackykiray) on

 

“Magbabalik po kami soon! Abangan po natin ang I Can See Your Voice! soon siguro yan”. sabi pa ni Wacky Kiray

Pero, ngayong pahinga muna sila sa game show, patuloy pa din ang kanilang mga bonding para hindi nila ma-mis ang isa’t isa.

“Yung kulitan namin at yung mga chismisan namin lalo na kung kasama ko si Alex,” kuwento pa ng komedyante. 

At ngayong off muna bilang singvestigator, kabilang din ngayon sa isang independent movie ang komedyante kung saan gaganap siya ng kakaibang role.

“Ang hirap ng role ko doon! Bakla! Bakla ang role ko sa Sikreto ng Piso! Isa akong bakla doon na nakikipagkulitan sa money changer,” sabi pa niya.

Mapapanood ang Sikreto ng Piso sa darating na January 30 sa direksyon ni Perry Escano.