OPM rock icon Pepe Smith, pumanaw na

Sa Facebook post ng anak ng singer na si Daisy Smith - Owen, kinumpirma nito ang malungkot na balita tungkol sa kanyang ama.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

1/28/2019 9:28 AM
OPM rock icon Pepe Smith, pumanaw na


Photo credit: The Manila Times/ Top Gear Philippines

Sumakabilang buhay na ang Pinoy rock icon na si Pepe Smith o Joseph William Feliciano Smith sa tunay na buhay. Sa Facebook post ng anak ng singer na si Daisy Smith - Owen, kinumpirma nito ang malungkot na balita tungkol sa kanyang ama. 

“Thank you for everything papa bear ko. Thank you for being the best dad in the world. I know you're in the best place now, no more pains papa.. I will see you in a few days. I love you to the moon and back,” pahayag ng anak ng OPM icon. 

READ: Pepe Smith undergoes eye surgery with Led Zeppelin playing in the background

Ayon pa sa Facebook post ni Daisy, isinugod pa sa ospital nitong Lunes ng umaga, January 28, ang kanyang ama ngunit binawian din ng buhay sa edad na 71. 2017 nang napabalitang na-stroke si Pepe Smith. Dekada ‘70 nang sumikat ang pangalan ni Pepe Smith bilang bahagi ng bandang Juan Dela Cruz band na nagpasikat ng nga awitin na “Balong Malalim,” “Beep Beep,” “Titser Enemy No 1,” “Himig Natin ‘To”at “Kahit Anong Mangyari”. Sa ngayon, mas piniling hindi na muna idetalye pa ng mga naiwan ni Pepe Smith kung saan ilalagak ang kanyang mga labi.