Karen Gallman, alay ang tagumpay sa mga kababaihan

Gusto ni Miss Intercontinental Karen Gallman na maging inspirasyon sa mga batang babae at magsilbing boses para sa mga hindi napakikinggan.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/28/2019 5:31 PM
Karen Gallman, alay ang tagumpay sa mga kababaihan


Image credit: karen_gallman IG

Labis na kasiyahan ang naramdaman ng unang Pinay beauty queen na nagwagi sa 47th Miss Intercontinental pageant na si Karen Gallman.

Para kay Karen, makahulugan para sa kanya ang tagumpay na kanyang alay sa kanyang mga kababayan.

READ: Karen Gallman wins Miss Intercontinental

It means a lot to me, I mean, this is the first time Philippines has won Miss Intercontinental so I'm very happy I could do this for the Philippines,” sabi niya sa panayam ng press.

Eighty ang kandidatang kanyang natalo noong Sabado kaya naman hindi raw mapigilan ni Karen ang tuwa.

I'm speechless. I'm so happy, I can't stop smiling, I'm just so grateful,” dagdag pa niya.

Sa kanyang tagumpay, hangad ng Fil-Australian beauty na maitulak ang kaniyang advocacy na pagpapaunlad sa compulsory education sa mga lalawigan.

I would like to focus on my advocacy which is education, compulsory education, sa rural parts [ng bansa],” aniya.

Gusto rin daw niyang magsilbing inspirasyon ng mga batang babae at magsilbing boses para sa mga hindi napakikinggan.

I want to be a great role model for these young women and girls, and I also wanna be a spokesperson for the marginalized and the voiceless, and I wanna inspire a lot of people out there,” pahayag pa ni Karen.