Ano nga ba ang hidden talents ni Yam Concepcion?

Yam Concepcion, ipinakita ang vinyl records collection at nagpa-sample ng galing sa pag-ukulele

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

1/28/2019 9:19 AM
Ano nga ba ang hidden talents ni Yam Concepcion?


Isinama ni Yam Concepcion ang Rated K sa kanyang bahay kung saan ipinasilip niya kung sino siya sa likod ng camera. Bukod dito, nagpatikim din siya ng pa-sample ng kanyang mga hidden talents at interests.

Hindi alam ng lahat na marunong pala si Yam mag-drums at meron siyang koleksyon ng vinyl records. Marunong din siyang mag-ukulele. Nagpa-sample pa siya ng galing niya sa pag-ukulele at pagtugtog ng drums.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Going electronic #lyricph #Kat #kt3 #LyricXyam

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

Isa pa sa hidden talents ng Halikstar ang pagpinta at ipinakita niya ang painting niya ng kanyang pumanaw na asong si Hummer. 

Pinakita din ni Yam ang urn kung saan nandoon ang abo ni Hummer. At kahit na daw wala na si Hummer, sinasabi pa rin niya sa mga nagtatanong na meron siyang tatlong aso kahit na dalawang aso na lang niya ang buhay.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

<3

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

Bukod sa pagiging dog lover, meron ding arowana fish si Yam.  

Cheater man daw ang character niyang si Jade, sa totoong buhay naman hindi kayang mag-cheat ni Yam. “Naniniwala kasi ako sa karma, ang bilis ng balik nun,” sabi ng aktres.

Kwento ni Yam, nag-cheat daw ang una niyang boyfriend noong siya ay 21 years old, kaya matapos nun ay inisip niya na lahat ng lalaki ay cheater din at eventually magloloko.

Pero napatunanayan daw ng current boyfriend niyang si Miguel CuUnjieng na may mga lalaki naman palang mabait at kayang maging faithful. Ngayon nga ay four years na ang kanilang long distance relationship ni Miguel at going strong pa rin ito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nicole’s Despedida de Soltera #N💘C @mrcuu

A post shared by Yam Concepcion (@yamconcepcion) on

 

READ:Mga nakakakilig na moments ni Yam Concepcion kasama ang kanyang boyfriend sa Japan