• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde to Alden Richard’s basher: 'Wag na po idamay please'

Arjo Atayde to Alden Richard’s basher: 'Wag na po idamay please'

Hinihikayat ni Arjo Atayde ang mga bashers ni Alden Richards na manahimik at mag-move on na.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/27/2019 11:09 AM
Arjo Atayde to Alden Richard’s basher: 'Wag na po idamay please'


Photo credit: @arjoatayde and @aldenrichards02 on Instagram

Patuloy pa rin ang online wars ng mga taga suporta nina Maine Mendoza, Alden Richards, at Arjo Atayde, simula nang maging usap-usapan ang relasyong namamagitan kina Arjo at Maine. 

Sa Twitter nitong Biyernes January 25, sinagot ng Kapamilya actor na si Arjo ang isa na namang hirit ng netizen laban kay Alden. 

“Wag na po idamay si Alden please.. lets just keep quiet and move on :)” sagot ni Arjo sa tweet ng netizen, na may kasamang video clip ni Alden na nagagalit at kasama si Maine sa premiere night ng dating pelikula. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@megaman_magazine check it out 🥂

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

 

Matapos mag-sorry kay Arjo ang naturang netizen dahil sa malisyosong tweet, nag-iwan ang aktor ng advice para sa kanya. “I appreciate you.. don’t get me wrong.. but just be the better person and be happy :) The negative energy they give is useless it ain’t changing anything :) so smile!!! THANK YOU SA INYO,” ani Arjo.

Kamakailan ay inamin ni Arjo na nasa ‘dating’ stage sila ni Maine Mendoza. 

READ: Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Merry Christmas @hheadph ⛄️

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde) on

 

Isa si Arjo sa mga bida sa bagong pelikula na ‘Tol. Kasama sina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Jessy Mendiola, mapapanood ang pelikula simula January 30.