Alex Gonzaga, threatened ba sa vlog ni Toni Gonzaga?

Hindi din daw impossible na maging guest din si Alex Gonzaga sa mga videos ng kanyang ate Toni.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/27/2019 11:17 AM
Alex Gonzaga, threatened ba sa vlog ni Toni Gonzaga?


Todo ang suporta ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa pagpasok ng kanyang ate na si Toni Gonzaga sa pag bi-video blog.

READ: Toni Gonzaga starts own Youtube channel on her 35th birthday

Kuwento ni Alex, malaki ang kanyang naging impluwensya sa kanyang ate sa naging desisyon nito na pumasok sa vlogging.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

She has a VLOG!!!! Sigurado mas may sense to kumpara sakin. Teka, Sana nagfriendster nalang siya.. #Linkinmybio

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

“Antagal ko siya na-influence actually pero one day sinabi niya, ‘Catherine, magba-vlog ako. May naisip na ako na konsepto,’” kuwento ni Alex sa press sa naganap na Brilliant Skin event sa Araneta Coliseum.

Aniya, hindi naman threat ang ate sa kanyang audience dahil malayong-malayo ang mga konsepto at pag-uusapan ni Toni sa kanyang mga vlog.

“Never pa siyang nakita ng tao as a mother so parang lists ng pagiging first time mom niya. How to balance yung career niya being a mother, a sister, a wife,” sabi pa ni Alex.

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, matipid ang naging kuwento ni Alex tungkol sa panibagong pelikula na pagsasamahan nila muli ng kanyang ate.

Kasunod ito my matagumpay na 2018 Metro Manila Film Festival movie nila na Mary, Marry Me.

 

 

“Feeling ko oo, kasi nag-usap kami ni Ate na yung mga pagkakamali namin dito sa film fest puwede namin baguhin,” pahayag pa ni Alex.

Aktibo man sa kanyang social media, looking forward pa din si Alex sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula.