Sylvia Sanchez, hinamon ang basher na makipagkita sa kanya

Nagbigay pa ng takdang oras at venue si Sylvia Sanchez sa mga bashers ng kanyang anak na si Arjo Atayde dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Maine Mendoza.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/26/2019 11:56 AM
Sylvia Sanchez, hinamon ang basher na makipagkita sa kanya


Photos credit to the owners

Hindi na nakapag-pigil at tila napuno na ang Kapamilya actress na si Sylvia Sanchez nang hamunin niya na personal na makipagkita ng ang ilang bashers ng kanyang pamilya online.

READ: Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

Ilang araw matapos aminin ni Arjo Atayde ang estado ng relasyon niya kay Maine Mendoza, sinagot ng kanyang ina  ang isang basher na inaakusahan ang pamilya ng aktres na ginagamit ang kasikatan ni Maine. Sa isa niyang post sa Twitter kahapon, January 26, unang hinamon ni Sylvia ang isang netizen na kasalukuyang nag-delete ng kanyang tweet. 


"Oo ina ako at naiintindihan ko ang sinasabi mo, naiintindihan ko si (Maine Mendoza) (Arjo Atayde) naiintindihan din kita @TheFaulkersons at (naiintindihan) ko din nararamdaman ngayon ng ina ni maine, halika! Usap tayo, bilang mga ina, bukas kita tayo, Maxim Resorts World coffee shop 7pm," hamon ni Sylvia sa unang basher na niyaya niya sa personal na pagkikitang nakatakda ngayon, January 26.

"Sobrang galit sa puso mo, sobra mo kami kung sinuhin at laitin!!! 
Tara! Sama ka!!bukas kay @TheFaulkersons  usap tayo!! Tao sa tao!! 7pm resorts world Maxim Coffee Shop, hintayin kita ha!" dagdag niya.


Isa pang tweet ng netizen ang nag-iwan ng paratang kay Arjo, ng pagsasabi ng kasinungalingan tungkol kay Maine. Matapang na niyaya at sinagot din ito ni Sylvia, "Anong kasinungalingan ang ginawa at sinabi ni arjo? Alam mo ba ang buong pangyayari? Kung may mga tanong ka at gusto mong marinig lahat ng sagot sa mga tanong mo, tara! Makipagkita ka bukas, usap tayo! Ako mismo ang sasagot sa lahat ng mga gusto mong malaman."

Sa pagtanggi ng naturang basher sa personal na pakikipagkita ay muling sumagot si Sylvia at sinabing, "Kaya nga gusto kitang makausap para direkta mong masabi sa akin lahat ng hinaing at galit mo. Kaya nga niyayaya kita bukas magkita kasi ayaw ko dito makipag usap, gusto ko personal. Matitino tayong tao, kaya usap usap tayo ng matino, personal!"

Hindi natapos sa dalawang ang hamon ng beteranong aktres. Isang account pa ang nagbigay ng paratang ng panggagamit kay Maine, ang nakatanggap ng sagot mula kay Sylvia. "Isa ka sa hihintayin ko bukas ha! IIabas mo ang tapang mo bukas, 7pm Resorts World Coffee Shop Maxim. At pakilabas mo mukha mo dito sa account mo, wag magtago! Para makilala din kita!" matapang na sagot ni Sylvia.


Ang parehas na netizen din ang nagpost ng mga salitang "mag-inang mapagbanta" at hinamon muli ni Sylvia ang mga ito. "Mag inang mapagbanta? Kami nga binabantaan nyo eh! Patayin ako, Arjo n Ria? Kami pa ang mapagbanta? Isip isip ka hah! Magpakita ka bukas, usap tayo! Wag kng magtago sa account na to ng walang mukha! Kung matapang ka labas mo mukha mo dito!"


Bukod sa mga basher, inanyayahan na rin ni Sylvia ang ilang taga-suporta ng kaniyang pamilya sa pinaplanong meet-up. "Welcome bukas lahat kayo pumunta sila at mas lalong welcome sa mga bashers! Usap tayo!" aniya.

Minsan na ring ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang pang-babash sa pamilya ni Arjo Atayde, at humingi ng respeto sa mga netizens.

READ: Maine Mendoza defends siblings Arjo and Ria Atayde from a basher