Momoland, may mga bagong pasabog daw sa kanilang fan meet

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/26/2019 10:39 AM
Momoland, may mga bagong pasabog daw sa kanilang fan meet


Sa ulat ng TV Patrol, balik Pinas muli ang K-Pop girl group na Momoland para sa isang fan meet sa The Big Dome.

Ayon kay Momoland member na si Jooe, isa sa nagustuhan nila sa mga Pinoy ay ang mainit na pag-welcome nito sa kanila kahit saan man daw sila mapunta…mapa-airport o mapa-kalsada, “One thing we like… is how everybody smiles and seem like they recognize us…” 

May bago naman daw silang ibibida ayon kay Nancy. “So we can show you what we never showed you guys before…so I think there’s going to be a new excitement.” 

Unang gabi ng grupo sa Araneta Coliseum kahapon, January 25. Bukod sa mga bagong pasabog, maglalabas din daw ng new single ang grupo.

Dahil pangatlong beses na ito sa bansa, meron na din silang mga Pinoy food na nagugustuhan kasama na dito ang puto bumbong na ayon kay Ahin ay, “it was like the sweet sticky rice in the bamboo stick…” 

Matatandaan na nasa bansa rin ang Momoland noong December, kung saan nagkaroon sila ng special guesting sa It’s Showtime. 

LOOK: 'It’s Showtime' cast go crazy over Nancy of Momoland