• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on Joross Gamboa: ‘Hindi ko in-expect yung friendship na nabuo sa amin ni Joross’

Kathryn Bernardo on Joross Gamboa: ‘Hindi ko in-expect yung friendship na nabuo sa amin ni Joross’

Kathryn Bernardo, may limang rebelasyon tungkol sa close friend na si Joross Gamboa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/26/2019 10:23 AM
Kathryn Bernardo on Joross Gamboa: ‘Hindi ko in-expect yung friendship na nabuo sa amin ni Joross’


Nagbigay ng limang trivia si Kathryn Bernardo tungkol sa kanyang close friend na si Joross Gamboa sa interview ni Joross sa Tonight with Boy Abunda.

Unang rebelasyon ni Kathryn tungkol kay Joross ay, “Hindi niya kayang mabuhay nang wala ‘tong favorite slippers niya. Tinawag ko siya na Barista shoes… kahit fight scenes sa La Luna Sangre, yun yung sinusuot niya.”

Pangalawang rebelasyon ni Kathryn ay ang pagiging madaldal ni Joross. “Hindi niya kayang manahimik ‘pag kasama mo siya. As in never ka mabo-bore kapag kasama mo si Joross kasi andami niyang kuwento,” ani Kat. 

Mahal na mahal din daw ni Joross ang pamilya nito dahil ayon kay Kat, “Never sa isang araw na hindi niya ipe-play yung videos nung mga anak niya. Super love na love niya yung family niya, very loyal na siya ngayon…”

Nag-share din ng isang fun fact si Kat about Joross na nagpatawa kay Joross. “Hindi niya kaya magsalita ng isang sentence na hindi siya ina-acid reflux,” kuwento ni Kat.

Panghuling nasabi ni Kathryn tungkol sa kaibigan ay, “Hindi ko in-expect yung friendship na nabuo sa amin ni Joross and I’m really grateful na more than workmate naging totoong kaibigan ko siya.” 

READ: Joross Gamboa makes directorial debut in new iWant original movie