K Brosas, malapit na matapos ang kanyang dream house

Masayang ibinahagi ni K Brosas ang picture ng kanyang pinapatayong bahay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/26/2019 12:16 PM
K Brosas, malapit na matapos ang kanyang dream house


Photos credit: @kbrosas IG

Masayang ibinalita ni K Brosas na malapit nang matapos ang kanyang dream house kung saan siya mismo ang nagpundar nito gamit ang kanyang ipon na pera. Nilinaw naman ng komedyante na ibinahagi niya ito online hindi para magyabang kung hindi ay magsilbing inspirasyon sa mga taong kaedaran niya rin na madalas nasasabihan na ‘dapat matagal mo nang ginawa ‘yan.’

“Truth is.. naging pabaya po ako sa pera at nagtiwala ako sa mga maling tao,” kwento ni K.

Dagdag pa niya, “Kasalanan ko yon, kasi pinabayaan ko plus na [bagyong] Ondoy kami. Now looking back, hindi ko nagawa to before kasi ayaw kong umutang, mag-loan, gusto ko handa na ako financially (although walang problema kung yun ang kaya ng iba.. ako lang naman to hehe) kaya now ko lang napagawa ang simpleng bahay na pangarap ko.. Hindi po siya mansion kasi kami lang naman ng anak [ko] ang makikinabang sa bahay na to.”

Pangarap din niyang makapagpatayo ng beach house kapag nakapagpundar na siya muli at sinabi niya ang kahalagahan ng hindi pag-pressure sa sarili.
“[It] doesn’t matter gaano ka tagal ang hinintay ko... kaya naman.. Mula sa akin, sana wag kayong magmadali.. mag ipon, mag sipag.. wag pabayaan pera niyong pinagpaguran.. at walang age limit ang pag sunod sa mga pangarap niyo, kahit dahan dahan lang.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

So eto na... konti na lang po.. I’m posting this hindi para mag yabang kundi sana lang maka inspire SA iba na same age ko, na ilang beses nasabihan na “dapat matagal mo NG ginawa yan” etc.. truth is.. naging pabaya po ako SA pera At nagtiwala ako SA mga maling tao.. kasalanan ko yon, kc pinabayaan ko.. plus na ondoy kami..now looking back, Hindi ko nagawa to before kc ayaw kong umutang.. mag loan, gusto ko handa nako financially.. (although walang prob kung Yun ang kaya NG iba.. ako lang naman to hehe) kaya now ko lang napa gawa ang simpleng bahay na pangarap ko.. hindi po sha mansion kc kami lang naman NG ANak ang makikinabang sa bahay na to.. well.. may nxt Time pa naman hehe.. saka na pag tapos nito, beach house ang pangarap ko, si Lord na bahala don.. again.. wala pong “deadline” ang pangarap o kung ano man gusto nyo makamit SA buhay... we are never too old to have new goals and dreams. Wag atat.. now I’m just sooooo happy na malapit NG matapos tong house, na bawat detalye kahit maliit lang ay nasunod, At kahit Lumaki budget (normal lang daw yan kc na ba bago At may nadadagdag hehe) .. Salamat Lord SA mga blessings at SA mga labada pa more.. konti na lang po.. at Masasabi ko na At last na May bahay ako na sarili, doesn’t matter gaano ka tagal ang hinantay ko... kaya naman.. Mula SA akin, Sana wag kayong magmadali.. mag ipon, mag sipag.. wag pabayaan pera nyong pinagpaguran.. at walang age limit ang pag sunod SA mga pangarap nyo, kahit dahan dahan lang, I Thank you! Thanks @chikininnin my architect at @jacquijopson my contractor.. girl power chos! #labadapamore #blessed ☺️🙏🙏🙏❤️

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

Taong 2018 din nang una niyang ipasilip ang simula ng pagpapagawa niya ng bahay.

LOOK: Eto na ba ang dream house ni K Brosas?