Dawn Zulueta, time-out muna sa showbiz?

Wala din muna daw sa plano ng aktres na tumanggap ng trabaho sa showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/26/2019 10:45 AM
Dawn Zulueta, time-out muna sa showbiz?


Photo credit: @dawnzulueta IG

Looking young at wala pa din kupas ang kagandahan ng aktres na si Dawn Zulueta sa naganap na opening ng bagong branch ng Marie France sa Met Live mall sa Pasay City.

Isa si Dawn sa mga major endorser ng beauty clinic kasama si Mariel Rodriguez-Padilla.

Dito, inamin ng premiyadong aktres ang tunay na dahilan kung hindi muna siya napapanuod sa sinehan at telebisyon.

“None. (Showbiz projects) None right now I’m on a break,” aniya sa PUSH at ilan pang entertainment press.

“I just spend time with the children. So just right now I’m just a housewife and a mother,” paliwanag pa niya.

Inamin din ni Dawn na nagiging mapili din siya ngayon sa mga proyektong iniaalok sa kanya ngayon.

“No plans really. Right now, they have been offers, but then it hasn’t really been an offer that really excites me and enough for me to say na ‘okay let’s go back to work’. That’s why, I’m using the time nalang to spend with the kids,” ani aktres.

Kuwento pa niya, personal na desisyon niya na tutukan ang kanyang mga anak na teenager na ngayon.

“They’re already at that age na my son is a teenager na. He just turned 13. And my daughter is 10. I feel it’s such an important stage in their life, that I need to be there more often,” sabi pa ng aktres.

At kung tatanungin naman sa posibiliad na balik tambalan nila ni Richard Gomez sa isang proyekto,“It will all depend on the project,” pahayag pa ni Dawn.