• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban and Carlo Aquino schedule a date on January 27

Angelica Panganiban and Carlo Aquino schedule a date on January 27

Game na si Angelica Panganiban matapos yayain na magkaroon ng "quality time" ni Carlo Aquino sa January 27.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/26/2019 9:43 AM
Angelica Panganiban and Carlo Aquino schedule a date on January 27


Photo credits to the owners

Spotted sa Instagram stories ng Exes Baggage love team na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang pagbibiruan at pag-set nila ng isang date sa January 27. Sa Instagram story ng aktres ngayong araw January 26, makikita ang pagyaya ni Carlo sa kanya sa lumabas para magkaroon sila ng "quality time."

"Kapag ba niyaya kitang lumabas, pumayag ka na. Ayain kitang lumabas, date-date ganon," sabi ni Carlo Aquino kay Angelica na natatawa lang sa kanya.

Nang tanungin naman ni Angelica kung ano ang dahilan ni Carlo sa pagyaya, "Lalabas lang tayo, yayain lang kita, quality time," sagot ng aktor.

Sa huling parte ng instagram stories, pumayag na si Angelica sa plano ni Carlo na nagbigay na rin ng petsa. "Game ha, January 27," huling tanong ni Carlo, na sinagot naman ni Angelica ng, "Basta kakain (lang), game." 

Sa Instagram story naman ni Carlo, na naunang nakapost noong January 25, makikitang nagbibiruan muli ang dalawa habang tinutukso ni Angelica si Carlo habang kumakain. 

“Akala ko ba mag-de-date tayo? Tagal ng (January) 27 e,” tanong ni Angelica kay Carlo. "Hintayin na lang natin (mag January) 27," sagot ng aktor.

Kamakailan lang ay naging laman ng mga balita ang tambalang CarGel, matapos sagutin ni Angelica ang isang basher na nag-aakusang sinasaktan niya si Carlo. Sa mga naturang posts din ay sinabi ni Angelica na sinira ng mga online bashers ang kanilang relasyon ni Carlo.

READ: Angelica Panganiban reacts to a fan accusing her of hurting Carlo Aquino and tainting his reputation

Ilang araw pa matapos ang unang pagsagot sa isang basher, sunud-sunod naman ang pag-post ng aktres tungkol sa "pagmu-move on." 

READ: Angelica Panganiban: ‘Nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na 'ko’

READ: Angelica Panganiban seeks support on moving on: ‘Puwede bang suportahan niyo ko?’

Kasabay din ng mga nabanggit na tweets ni Angelica, ay lumabas din ang ilang mga photos ni Carlo na kasama ang napapabalitang "dine-date" niyang isang modelo. 

READ: Is Carlo Aquino dating this model?