• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino, binuking nga ba na may boyfriend at engaged na si Erich Gonzales?

Kris Aquino, binuking nga ba na may boyfriend at engaged na si Erich Gonzales?

Ayon kay Kris, gusto niyang maging ninang sa kasal ni Erich Gonzales.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/25/2019 9:04 AM
Kris Aquino, binuking nga ba na may boyfriend at engaged na si Erich Gonzales?


Photo credit: @krisaquino/ @erichgg on IG

Naging usap-usapan ang reply ni Kris Aquino sa comment ng Kapamilya star na si Erich Gonzales, sa kanyang Instagram post, noong January 21.

 

Sa isang video sa Instagram ni Kris, isang comment ang iniwan ni Erich na agad namang nireplayan din ni Kris ng, "(Erich Gonzales) ang kulit... deal basta ninang ako sa ... (diamond ring emoji)" 

Sa naturang video makikita si Erich  at anak ni Kris na si Bimby na kasalo ang aktres sa pagkain. Habang nagpapasalamat sa mga regalong pagkain na natanggap, nag-aabang din ang tatlo ang unang episode ng The General's Daughter

"We had a visitor, one of my “panganays”. Dumalaw para mangulit about the benefits of fresh celery juice. i promised her next week, i just need to finish getting used to my new medicines," ayon sa caption na Kris na tumutukoy sa pagbisita ni Erich.

Hindi kumpirmado sa ngayon ang opisyal na estado ng lovelife ni Erich Gonzales. 

 

LOOK: Erich Gonzales's snowy holiday in Norway

Naging malapit si Kris kay Erich nang maging 'suki' ito bilang guest sa kanyang talk show na Kris TV. Aminado din si Kris na naging matchmaker siya kay Erich at sa dating boyfriend nitong si Daniel Matsunaga.