Ketchup Eusebio, inaming handa na siyang maging tatay

Ketchup Eusebio says he is ready for a new responsibility.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/25/2019 10:00 AM
Ketchup Eusebio, inaming handa na siyang maging tatay


Naging masaya ang kuwentuhan sa Magandang Buhay nang dumalo bilang guests sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa. Dito ikinuwento ni Ketchup na handa na siyang maging isang ama at tila nagpapahiwatig ito na nalalapit na rin ang pagdating ng bagong responsibilidad para sa kanya.

Nang tanungin kung kailan ba niya napagtanto na handa na siyang maging isang ama, aniya, "So ngayon, parang papunta roon. September namin napagplanuhan yata, tapos ngayon parang May na yata siya matutuloy kung saka-sakali.”

Nang tanungin din kung kasal ba ang kanilang pinag-uusapan ay nilinaw niya ito.

"Hindi pa naman (kasal). Mas pa-papi."

Sampung taon nang magkarelasyon sina Ketchup at ang non-showbiz girlfriend niyang si Ann Laggui