• Home
  • Fresh Scoops
  • Katrina Velarde, inaming nabuntis at nagkaroon ng Bells’ Palsy

Katrina Velarde, inaming nabuntis at nagkaroon ng Bells’ Palsy

‘Suklay Diva’ Katrina Velarde, nagka-Bell’s Palsy kaya itinigil ang singing career matapos ang X Factor Philippines 2012

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/25/2019 10:24 AM
Katrina Velarde, inaming nabuntis at nagkaroon ng Bells’ Palsy


Sa Tonight with Boy Abunda, klinaro ni “Suklay Diva” Katrina Velarde kung bakit siya nawala matapos niyang sumali noong 2012 sa X Factor Philippines, kung saan naging mentor at coach niya si Gary Valenciano.

Pauna ni Kat, hindi lang ito ang unang beses na sumali siya sa isang Kapamilya singing contest dahil, “nag-Little Big Star po ako dati... Ka-batch ko po si Jake (Zyrus) that time po.”

Ang pinaka-natutunan daw niya kay Gary V. ay ang parati nitong sinasabi sa kanila na, “Sing to express, not to impress.” Bukod pa dito, naibahagi daw ni Gary sa kanya ang pagiging malapit nito sa Diyos.

Inamin din niya na may partner siya noon at nabuntis siya. Magti-three years old na daw ang kanyang baby boy na ang pangalan ay Kendrick.

Pero bukod dito, malaking rebelasyon ang pagkakaroon ni Katrina ng Bell’s Palsy. Ani Katrina, nagka-Bell’s Palsy siya “habang nagbubuntis po ako nun, seven months po.” Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin pantay ang kanyang mukha at “matagal po yung pag-heal ko po.” Nag-undergo daw siya ng therapy.

Ang health condition diumano ni Katrina ang naging dahilan kung bakit siya nawala noon at hindi ang pagbubuntis. Aniya, “Nahinto po ako sa pagkanta dahil nagka-Bell’s Palsy po ako. Pero habang buntis po ako nun naga-Gary V. shows pa po ako. Nagba-backup backup pa po ako kay Tito Gary.”

Hindi pa rin daw handa si Katrina na ma-in love muli. 

Ngayon nga ay merong extended playlist at nalalapit na concert si Katrina, kung kaya napupuno ang puso niya ng pagpapasalamat. “Thankful po ako na meron pong mga taong nagtitiwala at napakabuti po sa akin,” sabi ni Katrina. 

READ: Katrina Velarde, sasabak na sa kanyang first major concert