• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, ipinaliwanag kung bakit hindi siya kailanman na-insecure sa kanyang katawan

Karla Estrada, ipinaliwanag kung bakit hindi siya kailanman na-insecure sa kanyang katawan

"Kasi ang aking paglaki ay dahil sa panganganak ko. So, napakaganda ng rason," kwento ni Karla Estrada.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/25/2019 1:26 PM
Karla Estrada, ipinaliwanag kung bakit hindi siya kailanman na-insecure sa kanyang katawan


Photo credit: @karlaestrada1121 on IG

Sa episode ng Magandang Buhay noong January 23, ipinaliwanag ng momshie-host na si Karla Estrada kung bakit hindi siya kailanman nagkaroon ng insecurities sa katawan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you momshies for today! Laban dito, Laban doon.. Laban lang tayo.πŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌ

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

 

"Ako, hindi ako mayabang sa ganyan ha... Pero, kailangan kong aminin na hindi kailanman ako na-insecure. Kasi ang aking paglaki ay dahil sa panganganak ko. So, napakaganda ng rason," pahayag ni Karla matapos ikwento ng guest na si Ria Atayde ang "constant struggle" nito noon tungkol sa kanyang mga insecurities sa katawan.   

"Sobrang insecure ko, lalo na pag big girl, mahirap, eh. When you talk about weight, ang dami nilang pwedeng masabi," kwento ni Ria na inaming ang kanyang body weight ay dulot ng pagkakaroon ng Polycystic Ovarian Syndrome noong siya ay nasa high school.

Nag-iwan pa ng kanyang advice si Karla para sa mga taong may insecurities sa kanilang katawan. "Pero kasi walang dapat ika-insecure. Kailangan kasing kilalanin mo muna ang sarili mo. Hindi naman sila ang magsasabi kung sino kang tao, ikaw lang 'yon. So wala sa panglabas na anyo ‘yun. You have to love yourself," dagdag nito. 

"May certain age, daanan talaga 'yon, lalo na pag teenagers. Kasi siyempre ‘yung peer pressure, lalo na sa school. Kaya dapat tayong mga magulang lagi tayong nakaalalay talaga 24/7 sa ating mga anak. Na sa atin pa lang ramdam na nila ‘yung solid na pagmamahal," paalala niya naman sa mga kapwa niya ina na may anak na nagkakaroon ng struggle sa insecurities. 

 

May apat na anak sa ngayon si Karla, isa roon ay ang Kapamilya star na si Daniel Padilla, mula sa dating niyang partner na si Rommel Padilla.