• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde, suportado ng pamilya sa relasyon kay Maine Mendoza

Arjo Atayde, suportado ng pamilya sa relasyon kay Maine Mendoza

Simula nang umugong ang pagmamabutihan ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza, hindi na umano siya tinantanan ng mga bashers.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/25/2019 10:33 AM
Arjo Atayde, suportado ng pamilya sa relasyon kay Maine Mendoza


Photo credit: @mainedcm on IG (L)

Matapos ang naging pag-amin ng aktor na si Arjo Atayde sa tunay na estado ng relasyon niya sa TV host-actress na ai Maine Mendoza, hindi itinanggi ng aktor na masaya din para sa kanyang kaligayahan ang kanyang pamilya.

READ: Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

Kuwento ng aktor, sa kabila ng mga naging batikos na nakuha ng kanyang pamilya simula nang umugong ang balitang dating status nila ni Maine, nanatiling buo ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya.

 

“Naapektuhan sila somehow (bashing) kasi they’ve never been bashed eh. Wala lang but they’re just a little bit irritated, and what triggers me is the fact that people around me are kind of affected,” ani Arjo sa entertainment press sa naganap na media conference ng pelikulang Tol.

Umani man ng mga batikos, mas pinili pa din ng kanyang buong pamilya na manahimik at gawin ang tamang aksyon para dito.

“My dad, my sister, and the rest of all they don’t care because they know that these guys (bashers) they don’t know what are they talking about,” aniya.

Malaki din ang pasasalamat ni Arjo kay Maine na isa din sa mga gumawa ng paraan para matigil ang pagbabatikos sa kanya.

“Yes kasi some comments went too much, actually most of comments, but I really don’t care I’m much more concerned with people around me,” sabi pa ni Arjo.