• Home
  • Fresh Scoops
  • Ria Atayde, ikinuwento ang pag-audition niya sa Pinoy Big Brother noon

Ria Atayde, ikinuwento ang pag-audition niya sa Pinoy Big Brother noon

Ipinaliwanag din ni Ria Atayde kung bakit hindi na niya tinuloy ang audition sa ‘Pinoy Big Brother’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/24/2019 11:30 AM
Ria Atayde, ikinuwento ang pag-audition niya sa Pinoy Big Brother noon


Photo credit: @ria on IG (L)

Ikinuwento ni Ria Atayde sa episode ng Magandang Buhay noong January 23 ang pagtangkang pagsali noon sa reality show na Pinoy Big Brother.

Kuwento ni Ria, hindi niya akalain na mag-aartista siya ngayon, dahil wala siyang interes noon sa show business hanggang sa napagdesisyunan niya at ng kanyang ina na si Sylvia Sanchez na subukan ang pag-arte pagkatapos niya gumraduate sa college.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

 

"Nanaginip ako na umaarte na ako so sabi ko, 'Okay, this has to be a sign.’ I auditioned for a show, nakuha ko, pero hindi na naibigay sa akin. Tapos nag-audition ako ng PBB, pero umalis ako bago yung final interview. May part kasi doon na one-on-one (screening) may kausap ka, tapos pag-uusapan niyo kung bakit gusto mong pumasok," kuwento ni Ria.

Kahit hindi na matukoy ni Ria kung anong taon niya sinubukang mag-audition sa PBB, ikinuwento niya sa mga momshie hosts ang dahilan kung bakit hindi na niya itinuloy noon ang audition process.

"E yung sa 'kin lang naman, wala lang gusto ko lang ma-try. E alam ko na yung dahilan ng taong (katabi ko), gusto niyang tumulong sa pamilya niya, and sino ba naman ako para tanggalin yung opportunity na 'yon para sa kanya?

"Feeling ko rin naman, kung nag-PBB ako, iba rin ang magiging takbo ng career ko," paliwanag ni Ria.

Dagdag ng actress, naiyak ang ina sa kanyang desisyon na 'di pagtuloy sa PBB. "E ma, breadwinner ka, kung yung babae na 'yon nakapasok sa PBB, magiging breadwinner siya. Ako laki akong breadwinner. Who am I to take that opportunity away from another family? Umiiyak siya pero nata-touch siya," ani Ria.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ria Atayde (@ria) on

 

Sa parehong episode, naging bukas din si Ria sa kanyang mga personal na issues gawa ng kanyang body weght. "Actually dati sobrang insecure ko, kasi yung mga kabarkada ko sobrang papayat," paliwanag ng aktres na aminadong nagkaroon ng Polycystic Ovarian Syndrome noong siya ay nasa high school.

"Yung friends ko naman, sobrang supportive. Sinasabi nila, 'You'll work on it.' Dahil sa mga kaibigan ko rin at mga taong pumalibot sa akin, natanggap ko ang sarili ko. Kasi if accepted ka ng others, why can't you accept yourself?" pahayag ni Ria nang pag-usapan ang paraan niya ng pag-hahandle ng mga insecurities.

READ: Maine Mendoza defends siblings Arjo and Ria Atayde from a basher

READ: Ria Atayde reveals this Boyband PH member courted her

Bida si Ria sa digital movie na High, na mapapanuod nang libre sa iWant app. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ria Atayde (@ria) on

 

Noong August 2016, naikuwento na ni Ria sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa dalawang beses niyang pagtanggi sa pagsali sa PBB.

WATCH: Ria Atayde, muntik na raw sumali sa Pinoy Big Brother?