• Home
  • Fresh Scoops
  • Jameson Blake, inamin na si Elisse Joson ang huling babaeng nagpakilig sa kanya

Jameson Blake, inamin na si Elisse Joson ang huling babaeng nagpakilig sa kanya

Jameson Blake, gumawa ng on the spot Haiku para kay Elisse Joson.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/24/2019 8:52 AM
Jameson Blake, inamin na si Elisse Joson ang huling babaeng nagpakilig sa kanya


Malakas ang ugong ng balita na nanliligaw diumano si Jameson Blake kay Elisse Joson. Nagkasama ang dalawa sa katatapos lang na serye na Ngayon at Kailanman

Ayon kay Jameson Blake sa Tonight with Boy Abunda, hindi totoong nagpaalam siya kay McCoy De Leon na liligawan niya si Elisse. “Hindi ako nagpaalam,” ani Jameson. Si McCoy ang ex-boyfriend ni Elisse.

READ: McCoy De Leon and Elisse Joson are ‘ex-lovers’ but not friends

Hindi rin siya sigurado kung may tension na namamagitan sa kanila ni McCoy. “Wala naman siguro. I’m not sure.” 

Sa tanong naman kung sino ang babaeng huling nagpakilig sa kanya, sinabi ni Jameson na, “may nagbigay kasi ng Christmas gift sa akin as a friend…”

Inamin din niya na si Elisse ang tinutukoy niyang kaibigan. Binigyan daw siya ni Elisse ng notebook noong Pasko at para kay Jameson ay “very special” ang regalo ni Elisse. 

Ginawan din niya ng on the spot Haiku si Elisse sa TWBA na ang title ay The Sweetest Smile. Binasa ni Jameson ang Haiku at ang laman nito ay, “the gentle sparkle in your eyes, sums up the sweetest scent, sums up the sweetest scent.” 

Ayon pa kay James nasa “getting to know” stage pa lang sila ni Elisse at kung magkakaroon daw siya ng launching movie, si Elisse ang gusto niyang makapareha.