• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiko Matos, bakit muntik ‘maduwal’ sa kissing scene kay Martin del Rosario sa ‘Born Beautiful’?

Kiko Matos, bakit muntik ‘maduwal’ sa kissing scene kay Martin del Rosario sa ‘Born Beautiful’?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/23/2019 10:01 AM
Kiko Matos, bakit muntik ‘maduwal’ sa kissing scene kay Martin del Rosario sa ‘Born Beautiful’?


Binigyan ng R-16 rating ng MTRCB ang pelikulang Born Beautiful ni Direk Perci Intalan na pinagbibidahan nina Martin del Rosario, Kiko Matos, at Akihiro Blanco.

Palabas na ang gay-themed movie ngayong January 23 in 169 cinemas nationwide.

Naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Kiko na muntik na siyang “maduwal” pagkatapos ng torrid kissing scene nila ni Martin sa Born Beautiful. Nabigyan kasi ito ng ibang interpretasyon ng press.

Paliwanag ni Kiko, “Hindi ko gustong masuka. Hindi ko ginusto iyon. Well, I’m a straight man. Natural reaction lang iyon.

“Sa dami ng kissing scenes na ginawa ko sa movie, yung pinakahuli, parang gustong mag-break off ng character ko. ‘Yon ang natural reaction ng character ko na parang maduduwal, pero hindi ko ginawa,” dagdag niyang paliwanag.

Itinanggi rin ng character actor na baka homophobic siya kaya muntik na siyang maduwal sa laplapan nila ni Martin.

“Hindi ako homophobic or something. I’m just being honest. This is what I experienced in the last and final kissing scene. I don’t think it should be considered homophobic.

“I’m an actor and I’m portraying a role of someone who’s in love with a transsexual,” sabi pa niya.

As an actor, hindi raw importante sa kanya kung anuman ang opinion niya sa mga karakter na ginagampanan niya.

“In my opinion, if you’re in a relationship with another man, you’re considered gay or homosexual even if you consider yourself as straight. That’s my opinion.

“But when I step into the shoes of my character, si Greg, I have to take away my opinion on these matters, kasi I have to step into the shoes without any judgment, so when I take up the role of Greg, I think that I’m straight, I believe that I’m straight,” deklara niya.

Paano ba niya ide-describe ang torrid kissing at love scenes nila ni Martin sa Born Beautiful?

“Ang masasabi ko, matindi yung ginawa namin dito, lips to lips, tongue to tongue. Ganun kalupit ang mapapanood nila sa movie. Bigay-todo kami pareho ni Martin dito,” nakangiting niyang pahayag.

Patuloy pang paglalarawan ni Kiko sa kanilang eksena ni Martin, “It’s more honest than daring. I mean, I believe that what has been asked of me, I delivered it with my best intention and without any reservation.
“This is more honest than the previous movies that I’ve done. Mas buo iyong character ko rito at mas alam ko iyong gagawin ko rito. Sa palagay ko, this is one of my trophy projects.”

Ang Born Beautiful ay mula sa produksyon ng The Idea First Company at Cignal Entertainment