• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit pinili ni Maymay Entrata na pag-aralin ang kanyang tatlong pinsan?

Bakit pinili ni Maymay Entrata na pag-aralin ang kanyang tatlong pinsan?

"Nag-promise kasi ako sa kanila, kasi nga (galing) broken family din sila," sabi ni Maymay Entrata.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/23/2019 7:14 PM
Bakit pinili ni Maymay Entrata na pag-aralin ang kanyang tatlong pinsan?


Masayang nakipag-kwentuhan ang Pinoy Big Brother Lucky 7 Big Winner na si Maymay Entrata sa mga momshie-hosts sa episode ng Magandang Buhay, January 23. Bukod sa pagiging breadwinner ng pamilya, inamin ni Maymay na kasalukuyan niya rin pinag-aaral ang tatlo sa kanyang mga pinsan.

 

 

"May pinag-aaral po ako ngayon, tatlong pinsan ko po. Nag-promise kasi ako sa kanila, kasi nga (galing) broken family din sila.”

"Kasi ako na rin ang parang tinuturing nilang ina, kaya sabi ko 'paaaralin ko kayo.' T’saka honor (students) sila," masayang pagku-kwento ni Maymay.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nagpapahinga pose 😌

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Pinanganak at lumaki sa Cagayan De Oro, si Maymay kasama ang kanyang mga lolo at lola habang nagta-trabaho bilang OFW ang ina sa Japan.

READ: Check out Maymay Entrata’s touching birthday message for her mom Lorna

Dagdag ng Fantastica actress, pinapangarap niyang matapos na rin ang pinapagawang bahay sa probinsya at makatapos ng pag-aaral ang kapatid at mga pinsan. 

"Gusto ko na kami ni Edward, pareho kaming naka-graduate, makapagtapos ng pag-aaral," sagot naman ni Maymay nang tanungin kung ano ang pangarap niya para sa ka-love team na si Edward Barber.

Nag-iwan din ang aktres ng mensahe sa lahat ng katulad niyang nangangarap. "Siguro ang ma-advise ko rin sa lahat ng kagaya ko na nangangarap, dapat hindi lang isa ang goal nila, dapat tatlo o dalawa. Para at least kung hindi man para sayo (ang isa), may dalawa pa," ani Maymay. 

Patuloy na mapapanood si Maymay bilang isa sa mga hosts ng online show na iWant ASAP, tuwing Linggo.