• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza

‘We’re exclusively dating’: Arjo Atayde inamin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Maine Mendoza

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

1/23/2019 10:40 AM
Arjo Atayde, umamin na ‘exclusively dating’ sila ni Maine Mendoza


Photo credit: @mainedcm on IG (R)

Nanatiling matipid sa pagbibigay detalye ang aktor na si Arjo Atayde tungkol sa tunay na estado ng kanyang relasyon sa TV host-actress na si Maine Mendoza.

READ: Did Maine Mendoza and Arjo Atayde hold hands in this viral video?

Pero inamin na ng aktor na “exclusively dating” na sila ng TV host-actress.

“We’re exclusively dating,” pahayag ni Arjo sa naganap na media conference ng pelikulang Tol  nitong Martes, January 22, nang gabi.

Kasunod ito ng maka-ilang beses na napabalitang madalas nakikitang magkasama sina Arjo at Maine.

Ayon sa actor, hanggang doon na lang muna ang kanyang kayang sabihin tungkol sa kanilang dalawa ng TV host-actress.

“Hanggang doon na lang po muna,” patuloy ng aktor sa mga ibinabatong tanong ng press.

“What you see is what you get. We’re dating, I’m happy. Hanggang doon nalang po muna tayo,” sabi pa ng aktor.

Kung ilalarawan naman ang lagay ng kanyang puso ngayon matipid din ang sagot ng actor. “Masaya,” nakangiting tugon ni Arjo.

Nang tanungin naman kung kailan sila nagsimulang mag-date ni Maine, “I don’t want to say when we started but, basta... Ang hirap ng mga tanong niyo... Basta we’re dating,” nakangiti niyang tugon.

Sa huli humingi naman ng paumanhin ang aktor sa mga matipid niyang pahayag.

“Hanggang doon nalang po muna tayo. As much as I want to answer you guys, hanggang doon nalang po muna tayo,” pahayag pa ni Arjo.