• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Boys, star struck sa bigating judges ng international talent competition na ‘The World’s Best’

TNT Boys, star struck sa bigating judges ng international talent competition na ‘The World’s Best’

TNT Boys’ Francis on drag queen Rupaul: ‘Idol na idol ko po dun si Rupaul po’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

1/22/2019 11:03 AM
TNT Boys, star struck sa bigating judges ng international talent competition na ‘The World’s Best’


Sa ulat ng TV Patrol, excited ang mga TNT Boys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez nang ibalita na kasama sila sa worldwide talent competition na The World’s Best.

Ani Francis, nag-uumapaw ang excitement nila. “Super po, halos manginig po lahat ng katawan namin…”

Masaya naman sila na i-represent ang Pilipinas, ayon kay Mackie. “Masaya po kasi isa po kami sa mga pride ng mga tao dito sa Pilipinas. Masaya din po kami na binahagi po namin yung country natin sa ibang bansa.” 

Kasabay nito, na-star struck ang tatlo dahil sa mga bigating judges ng show na sina Hollywood actress Drew Barrymore, singer Faith Hill, at drag queen na si Rupaul. Host naman ng show si English actor-comedian James Corden. Ani Francis, “Idol na idol ko po dun si Rupaul po.” 

May thank you message din ang grupo sa isa’t isa. Ani Kiefer, “Kahit paos ako tinutulungan niyo ako.” Si Mackie naman, “Thank you sa inyong dalawa dahil sinasalo niyo yung mga high notes na hindi ko na nagagawa. I love you very much.”

At ang mensahe ni Francis para sa mga co-singer niya ay, “Thank you so much guys kasi kahit ako yung may mali iniintindi niyo pa rin ako.”